Sunday, March 22, 2009
By: Leo M. Bukas
TUWANG-TUWA si Lorna Tolentino dahil sa taas ng sales ng Wings of the Soul (H.O.P.E. Volume 2) album ay makaka-gold na rin ito.

Ang kikitain ng naturang album ay mapupunta sa ilang beneficiaries tulad ng Pinky Cares Foundation at ang Rudy Fernandez Cancer Foundation, Inc. na si Lorna ang namamahala.

Pakiusap pa nga ni Lorna during the launching of the album: “Sana bumili sila ng album dahil ’pag mas marami ang benta, mas marami rin kaming cancer patients na matutulungan.”

Para i-promote ang Wings of the Soul album, kung saan-saang programa ng ABS-CBN nagge-guest si Lorna. Sobra ang dedikasyon niya para tulungan ang foundation ng namayapang asawa.

Ang mga artists na nag-participate sa nasabing album ay sina Sharon Cuneta (Special Memory), Tirso Cruz III (Awit ni Daboy), Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla at Phillip Salvador (Doon Lang), Christopher de Leon, Bobot Mortiz at Ricky Davao (Stand By Me featuring Bodie Cruz), Aga Muhlach (Let It Be), Gary Valenciano (Ikaw Lamang), Piolo Pascual (I’ll Be There For You) and Jamie Rivera (My Life Is In Your Hands).

Ginawa nila ang album for the love of Lorna and Rudy kaya naman hindi sila nagpabayad para sa project na ito.

Bukod sa mga nabanggit na awitin, may narration din na maririnig mula kay Lorna sa CD
posted by Chuchi at 4:51 AM |



0 Comments: