Allan Diones
SIYAM na buwan matapos pumanaw si Rudy Fernandez ay nangungulila pa rin ang kanyang kabiyak na si Lorna Tolentino.
Sa tulong ng kanyang pamilya at mga kaibigan ay medyo gumagaan na ang pakiramdam ni Lorna, pero ngayon daw niya napagtanto na habang tumatagal ay tila lalong nagiging masakit ang lahat para sa kanya.
“Merong panahon na hinihintay ko na lang ‘yung liwanag, saka ako matutulog. But now, medyo maaga-aga na akong nakakatulog.
“At before, sinasabi ko kay Rudy na huwag niya akong dalawin. Now, I wish everyday, dalawin niya ako. At lately naman, napapanaginipa n ko siya.
“Iyung sinasabi ko na lalong tumatagal, lalong sumasakit, it’s because lalo mong nami-miss. ‘Yung the missing part is so hard. Siguro, ‘yun ‘yung matagal bago ka makaka-recover.
“I mean, for 27 years of my life, I was with Rudy. So, talagang you will yearn for him and you will long for his physical presence,” sambit ni Ms. LT sa presscon niya kamakalawa para sa volume 2 ng H.O.P.E (Healing of Pain and Enlightenment) album na Wings of the Soul sa ABS-CBN.
Nabanggit niyang napapanaginipa n niya lately si Daboy, may pahiwatig ba ito na sinasabi sa kanyang mag-move on na siya?
“Napag-usapan kasi namin ‘yon, lahat-lahat ng pwedeng mangyari pag wala na siya. So, meron kaming mga conversation nu’ng nasa ospital siya, nu’ng magkasama kami sa Amerika…
“Mahabang usapan ng lahat-lahat. Kung paano pag wala na siya, kung ano ‘yung gusto niya. Nag-iwan naman siya sa akin ng mga bagay-bagay na gusto niyang mangyari.
“Pero ang alam ko, gusto niya siyempre na maging masaya ako at maalagaan nang husto ‘yung mga bata (dalawang anak nila na sina Ralphe at Renz). ‘Yun ‘yung priority,” sey pa ng magandang biyuda ni Daboy.
Kelan niya ba masasabing totally healed na siya at fully recovered na siya sa nangyari kay Daboy?
“First, parang wala akong time for that. I cannot give an exact time when I will really say na naka-recover na ako. Kasi, parang lifetime na para sa akin ito, eh!
“Rudy will always be here beside me and in my heart. Kumbaga, hindi na mawawala ‘yon. If the moving on is working, siguro naman, I will. Pero even if I’m working, I’m sure, nandu’n pa rin siya, di ba? Iba pag mahal mo, nandu’n talaga sa puso mo all the time,” sabi pa niya.
Aminado si Ms. LT na nu’ng Disyembre na naging abala siya sa nasabing CD ay hindi pa siya handang magtrabaho. Nu’ng panahong ‘yon ay nag-concentrate siya sa Wings of the Soul.
“Mas maganda kasi na para matulungan mo ang sarili mo, tumulong ka rin sa iba. And this is one way of helping other people, lahat ng taong may pinagdaraanang pagsubok. Nababagay itong album na ‘to para sa kanila.”
Sampung kanta ang nasa volume 2 ng H.O.P.E album kabilang ang dalawang awitin mula mismo kay LT (Far From Home at Kalooban Mo). Siya rin ang nag-voice over ng madamdaming prologue at epilogue nito.
Nasabi rin ni Ms. LT na pagkatapos niyang maging abala sa nasabing CD ay balik trabaho na siya. Una niyang gagawin ang isang episode ng MMK na sa Marso 28 at 30 ang kanyang taping.
After Holy Week ay malamang i-present na raw sa kanya ang teleseryeng gagawin niya sa ABS-CBN.