Sunday, March 22, 2009
(ROSE GARCIA)


KUNG si Lorna Tolentino ang tatanungin, gusto niyang mabigyan din ng parangal na posthumous award ng Malacañang ang namayapang asawa niyang si Rudy Fernandez, na tulad ni Francis Magalona. Pero, hindi raw niya alam kung paano pinipili ang nabibigyan ng naturang award.

“May sarili yata silang discretion sa pagbibigay ng award. Kung mabibigyan siya, maraming salamat,” sabi ni Lorna.

Inisa-isa nga ni LT ang mga naging accomplishment ni Daboy bilang artista.

“Marami naman siyang magaganda at matitinong pelikula. I think, 120 plus movies ang nagawa ni Rudy at ‘yung pagiging President ng Actor’s guild for 6 years, 3 terms, I think, isang malaking achievement ‘yun kasi at that time, talagang masasabi ko na nandoon ang unity ng lahat ng artista noong panahong si Rudy ang naging Presidente ng Actor’s Guild.”

Sa mismong press launch ay ini-announce na rin ni Ms. Annabelle Regalado of Star Records na hindi pa man officially nairi-release ang H.O.P.E. 2 CD ay umabot na ito sa Gold record sales.

At halos lahat ng artists na kumanta sa album ay naging malaking bahagi sa buhay nilang mag-asawa tulad ng mga matatalik na kaibigan ni Daboy na sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla, Phillip Salvador, Sharon Cuneta, Aga Muhlach, Tirso Cruz III, Ricky Davao, Jamie Rivera and Piolo Pascual.”

Masipag daw si Lorna na mag-promote ng H.O.P.E. CD at tila wala raw itong kapaguran na iniikot ang halos lahat ng shows ng ABS-CBN, mai-promote lang ito.

May maganda ka­sing kapupuntahan ang album which is their two beneficiaries, ang The Rudy Fernandez Cancer Foundation at The Pinky Cares Foundation.
posted by Chuchi at 4:49 AM |



0 Comments: