TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis Updated March 21, 2009 12:00 AM
May bago akong bestfriend at Pinky Tobiano ang kanyang name. Si Pinky ang produ ng H.O.P.E. CD ni Lorna Tolentino sa Star Records.
Nagkakilala kami ni Pinky sa presscon ng bagong CD ni LT. Naging bestfriend ko siya dahil tinupad niya ang kanyang OPM sa akin. Kung anuman ‘yon, sa aming dalawa na lang.
Cancer survivor si Pinky. Naging magkaibigan sila ni LT nang magkaroon ng kanser si Rudy Fernandez.
Si Pinky ang kasama ni LT nang pumunta ito sa Holy Land para magkaroon ng spiritual healing.
Malaking tulong si Pinky kaya nagkaroon ng katuparan ang pangarap ni LT na makapaglabas ng CD album para sa memory ni Rudy Ang Rudy Fernandez Cancer Foundation at Pinky Cares Foundation ang mga beneficiaries ng mga kikitain ng H.O.P.E. CD.
* * *
Touched na touched ako sa prologue at epilogue ni LT sa Volume 2 ng H.O.P.E. CD na may pamagat na Wings of The Soul.
Ang ganda ng pagkaka-deliver ni LT sa prologue at epilogue na isinulat ni Bibeth Orteza.
Nagustuhan ko rin ang 12 songs sa CD album, ang Far From Home at Kalooban Mo na kinanta ni LT.
Ang pagkanta ni Sharon Cuneta sa Special Memory, Let It Be ni Aga Muhlach, ang Doon Lang nina Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Phillip Salvador, ang Stand By Me nina Boyet de Leon, Ricky Davao, Edgar Mortiz at Bodie Cruz, ang I’ll Be There For You/I Will Be Here ni Piolo Pascual at ang Ikaw Lamang ni Gary Valenciano.
Bago nagsimula ang presscon, nagsindi ng kandila si Pinky para kay Rudy. Naniniwala raw siya na naroroon si Daboy ng mga oras na ‘yon.
Mabibili na sa mga record bars ang touching CD album ni LT. Take note, gold na ang unang volume ng H.O.P.E. CD kaya naglabas ng volume 2 ang Star Records.
Ang sipag-sipag ni LT na mag-promote ng album. Willing nga siya na pumunta sa ibang bansa para ma-promote niya sa TFC ang project nila ni Pinky.
Sulit na sulit ang ibabayad ng mga bibili ng album dahil talagang nakaka-inspire ito. Hindi nakakahiyang irekomenda ang album.