Elyas Isabelo Salanga
Sunday, August 10, 2008
07:51 AM
The whole country already knows about what Lorna Tolentino had gone through in the final days of her husband and actor Rudy Fernandez, who succumbed to cancer last June 7. Though still grieving, Lorna returned to Startalk, a show which she used to co-host, after a very long absence. All three Startalk hosts—Lolit Solis, Butch Francisco, and Joey de Leon—were present to welcome back their co-host and friend.
"So, kumusta?" was all Butch can ask LT as Joey and Lolit looked on.
"'Yan ang mga tanong!" LT laughed. Then in a serious tone, she said, "Struggling with things beyond our understanding. Kasama mga anak ko, siyempre. ‘Pag tinatanong nga sa akin, e, parang ang hirap sagutin ang ‘How are you?'
"Siguro lahat naman tayo may pinagdaanan na mga taong mahahalaga sa buhay natin na nawala. And, yung pakiramdam na yun, in one way or another, ay may pains tayo na pinagdaanan na wounded tayo. So siguro maka-identify ang lahat."
Then, facing Butch, Lorna suddenly asked, "Parang may pinagdaanan ka, best friend. Nauna ka pang lumuluha sa akin."
"I'm very, very happy lang," a sobbing Butch blurted out. "Kasi, there's a time noong nagpunta ako noong 10th day [of Rudy death], sabi mo na hindi ka sigurado kung babalik ka sa Startalk..."
Sensing that Butch was having difficulty in finding words to say, Lolit took over and asked, "LT, explain mo nga kung bakit ayaw mo na ng isang showbiz-oriented na talk show?"
"Kasi, parang mahihirapan ako magtanong kasi, lalo na doon sa may mga pinagdadaanan kasi I am still healing," LT answered. "So parang, hindi ganoon katatag yung loob ko para magkuwestiyon sa pinagdadaanan din nila, most especially when it comes to pain, di ba? And yung joy is parang... Oo, may panandaliang kaligayahan, pero parating kakabit yung sorrow, yung grief na dinadaanan namin. So, medyo mahirap. I'm still...my children are still healing and so I am."
Lolit wasn't quite sure about what she heard from LT as she repeated her request with, "Ano ibig sabihin noon, anak, na ayaw mo na ng showbiz-oriented show?"
"Di ba, mas maganda na siguro yung tina-tackle ko is yung more of pagiging ina, sa bahay...mga ibang aspeto ng buhay. Hindi tungkol sa mga intriga, sa mga dapat... Kumbaga, although siyempre lahat tayo gusto makarinig ng latest, di ba? Yung gustong makarinig ng kung ano na ang nangyayari, lalo na sa mga kapwa mo artista. Parang, gusto ko na huwag na alamin yun. Gusto ko na marinig na lang at hindi na akong maging bahagi."
"Ah," Lolit said, "Yung tipong wala ka na sa gitna. Pero, kung may aalok sa iyo na lifestyle talk show, okay ba sa iyo?"
"Okay naman sa akin yun," LT said. Then she added, "Siguro mas maganda kung sitcom para naman may mas magaan na mawawala sa isip mo yung dinadaanan na proseso. Ayoko din kasi madaliin. Ayoko magpa-pressure na, ‘Kailangan mag-heal ka na!' Ganoon."
Turning to Lolit, LT continued, "Madalas mo ngang sabihin sa akin, ‘Nay, na ‘O, tanggalin mo na mga gamit ni Rudy.' Hindi, ayoko talaga. Gusto ko nandiyan lang siya."
Butch asked, "So, hindi mo pa inaayos ang gamit ni Daboy hanggang ngayon?"
"Hindi"
"And it will stay there in that way?"
"I think so, for a while. Baka ganoon sa ngayon. Hindi rin ako nag-iisip tungkol sa kinabukasan, sa future. Hindi ko iniisip pa yun, e. Sa ngayon, yun ang nararamdaman ko. Sabi nga ng pastor ko, ‘Feel how you really feel.'"
"Nagkaroon ka na ba ng good cry?" Lolit asked.
"Ano ba yung good cry? Yung mahabang-mahaba?" LT asked, smiling. Then she added in a more serious tone, "Nasanay ako na I always cry alone. Aaminin ko na last night, I cried. Pero 'tapos noon, wala na. Nasanay din siguro ako sa pagpigil, e. Yung merong may sandali lang na naiyak ako, ‘tapos tapos na dahil kailangang kong tapusin agad."
"Why did you cry last night?" a curious Lolit asked.
"Nag-flashback ako dun sa seven days noong nandoon sa bahay si Rudy. Yung pagkatapos naming umuwi galing sa hospital," revealed Lorna.
Butch asked, "Yung dalawang bata ba [Ralph and Renz] and even Mark Anthony [Rudy's son with Alma Moreno], mayroon ba silang iyak na hindi mo alam o ipinapakita ba nila? Ipinapakita nila ang emotion nila? How are they basically now?"
LT answered, "Sa ngayon, pare-pareho siguro kami. Bawat pagharap namin, there's always a missing part, di ba? Iniisip naming buo kami dahil magkakasama kami, pero may kulang talaga."
So what were those flashbacks?
"Lahat, lahat..." LT said with emotion. "It's like twenty-seven years of my life with him. So, lahat siguro nanamnamin mo. Ultimong toothpaste at toothbrush... Kahit maliliiit na bagay. Pati yung gamot niya, hanggang ngayon—yung iba nga, nagagamit ko... Medyo physically apektado rin ako, so yung ibang gamot niya, nagagamit ko na ngayon."
PILGRIMAGE TO HOLY LAND. Lorna revealed that she is leaving for the Holy Land in Jerusalem on August 12 and will stay there up to August 24. LT said that it is for "inner healing and pilgrimage" together with 29 other people; including her sister Lulu, her Tita Linda, and her kids Renz and Raph.
After explaining the trip, Lorna noticed that Joey had been quiet for some time now. She asked, "Papa Joey, parang tumahimik ka?"
"Hindi, may nadiskubre lang ako sa pagbabalik mo, Lorna," said Joey. "Mahirap pala mag-interview ng isang taong katulad mo. Mahirap, mahirap. Bilib nga ako dito kay Lolit, e, siguro dahil close kayo. Kahit ako hindi kumikibo dito, e, alam mo ang damdamin ko."
Probably not wanting the interview to become too emotional, Joey cracked a joke by saying, "Ikaw Lolit, sasama ka sa Holy Land o bawal ka doon?"
"Bawal daw, o!" Lolit exclaimed. As the laughs died down, Lolit shared that she also discovered something. She said, "Ngayon ko lang nadiskubre na doon sa dalawang taon na may sakit si Rudy, ang pinakamasakit kay Lorna ay yung seven days na inalagaan niya si Rudy doon sa bahay."
MOST PAINFUL MOMENTS. "Pinakamasakit na oras ay yung alam kong wala na akong kayang gawin... Bale June 6 ‘yon [a day befor Rudy's death]," Lorna said of her most sorrowful moments while her voice cracking.
"Hindi ako nawalan ng pag-asa. Sinurender ko na lang nang buong-buo. Inisip ko na kailangan niya [Rudy] yun, na iparamdam sa kanya at ipaalam sa kanya na maging okay kami. Yun naman ang kadalasan na para hindi mahirapan, e, sabihin mo na kakayanin nila.
"I think yung moment na talagang hindi na kaya ng lahat ng gamot, hindi na ng doctor kung papaano patataasin ang blood pressure ni Rudy, yung gamot kung papaano papasok sa katawan niya... Yun yung ang moment na pinakamahirap talaga balikan...and the final hours before June 7."
"Do these things still haunt you?" Butch asked.
"Yes."
Lolit followed, "Nagawa mo na ba lahat ng bilin ni Rudy?"
"Hindi pa. Marami pa. Isa-isa."
Butch asked, "Pero LT, kaya mo na ba? Kasi all these years, si Rudy ang padre de familia, lahat ng responsibility ay siya ang umaako noon."
"Napakasuwerte ko sa mga anak ko," LT answered. "Talagang ngayon, mas madalas ang pag-uusap namin at madalas kaming magkakasama. ‘Pag may panahon at pagkakataon, e, pinag-uusapan namin ang napakaraming bagay at yung nasa loob namin, yung nararamdaman namin. Papaano kami maggo-grow together, yung kaalaman hindi lang sa nararamdaman pati sa lahat ng bagay, at paano kami magtulung-tulungan."
NEW MOVIE. LT is currently involved in a movie about the friendship of Rudy with Senators Jinggoy Estrada and Bong Revilla and Phillip Salvador. What is her participation in this movie?
"Isang araw tumawag sa akin si Senator Jinggoy," LT related. "Inaalam niya sa akin kung sino ang casting. Pinadalhan niya ako ng script, hindi ko nga lang nabasa agad dahil sabi ko ang revised na ang ipadala sa akin. At, tumutulong ako sa ganoon. Parang si Rudy rin sa kanya. I hope kahit papaano, e, nakakatulong din ako dahil malaki ang naitulong nila sa pamilya namin."
Butch added, "Saludo talaga ako kay Senator Jinggoy, Senator Bong, and Ipe. Hindi talaga bumitiw."
"Sobrang dami ng pagmamahal na itinamin ni Rudy na talagang inaani naman namin ngayon," said Lorna.
NOT FEELING TOO WELL. Lolit asked LT if she still goes daily to the Heritage Park where Rudy is buried. LT answered this by saying, "Hindi itong... Medyo kasi nagpagamot din ako. Parang mayroon na din akong severe tension headache na sumusulpot-sulpot...To lighten up my spirit, at the same time I go out with friends also. Pero mas gusto ko sa bahay-bahay."
Butch asked, "Kung mag-isa ka ba, kinakausap mo si Daboy?"
"Oo naman, hindi lang ‘pag nag-iisa."
"Ano sinasabi mo?'
"Basta't mayroon akong ginagawa, kinakausap ko siya. Basta na may moment ako na tahimik, kinakausap ko siya. Actually, dalawa sila—ang Diyos at siya."
RENZ, CARLENE, DENNIS. LT seemed in the mood to talk about her son Renz's rumored romantic involvement with Carlene Aguilar as Butch asked about LT's reaction to this piece of news.
"Oo nga, tumawag nga sa akin anak ko. ‘Ma, gusto akong kausapin ni Tito Gorgy [Rula, StarTalk field reporter].' Sabi ko, ‘Pagbigyan mo na. E, napanood ko naman in-interview si Dennis Trillo at saka si Carlene. E, maliwanag naman yun. E, di magsalita ka na din para malinaw at period na ‘yan.'
"Si Dennis Trillo, madalas pumunta sa bahay. Nagugulat ako minsan ‘pag kumatok ako sa kuwarto ng mga bata, nandoon siya. There was a time na talagang binisita niya si Rudy... Dalawang beses niya binisita si Rudy after chemo ni Rudy"
Focusing back on Renz, Butch asked if Renz was really on to show business. LT answered, "Ang sabi niya kay Nanay [Lolit], tapusin niya muna pag-aaral niya. Pero ‘pag may magandang role, e, puwede niyang pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista niya. So, depende sa io-offer na role sa kanya."
READY TO MOVE ON? Is LT finally ready to move on the next chapter of her life?
LT gave a lengthy answer. "It's so sad kasi kahit na ano'ng mangyari pag-move on ko, e, parating nandiyan sa tabi ko yung... Ayokong sabihin alaala, e, pero slowly but surely, yes, magmu-move on ako. Kung sino man ang mga kaibigan ko na kasama ko at iba pang kasama ko na bagong kaibigan, parang kailangan nilang tanggapin na bahagi sa buhay ko, because I will always remember. Kumbaga, kahit anong sitwasyon sa kahit anong dadaanan ko, parati kong masasabi ko at mababanggit si Rudy. I think moving on is not really talking about or thinking about, kumbaga, yung isasantabi mo, hindi ko magagawa isantabi ‘yon."
After Holy Land, Lorna said that she will go back to work by working on the Hope CD for cancer patients and their families.
Joey was still silent after all that transpired in the interview. With Lolit and Butch egging Joey to say something for LT, he spoke up:
"Ito ang madalas kong sabihin sa mga taong takot na mamatay... Medyo kikilabutan kayo rito... Huwag po kayong matakot mamatay. Ang isipin n'yo, sa kabila doon ay makikita mo ang paborito mong tao. Halimbawa, idol mo si Elvis Presley, ang mga dakilang tao sa kasaysayan, si Mahatma Gandhi, kahit na sila Hitler... May pagkakataon ka makaharap ang mga taong ‘yan. Mas maganda ngayon dahil may Rudy Fernandez pa."
Joey's message made LT smile and she shared, "Sabi nga ni Manay Susan Roces noong wake ni Rudy, ‘Sigurado ako, ang ganda ng pelikula na ginagawa nila doon kasama si Kuya Ron [Fernando Poe, Jr., Susan's late husband].' Isipin natin na napakagandang pelikula na ginagawa nila kasama ng mga magagaling na director na nandun na." -
Philippine Entertainment Portal