Friday, July 11, 2008
*News*

Lorna Tolentino faces a new chapter of her life now that Daboy is gone

Julie Bonifacio

Friday, June 13, 2008
01:32 PM

Inihatid na ang mga labi ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez
kahapon, June 12, sa Heritage Park. Ngayong araw, June 13, naman bale
ang simula ng pagharap sa panibagong buhay ng maybahay ni Daboy na si
Lorna Tolentino.

Pero bago maganap ang libing ni Daboy ay mulng nagpaunlak ng panayam
si Lorna sa ABS-CBN via the morning show Boy & Kris nina Boy Abunda
at Kris Aquino. Pumunta si Kris mismo sa Heritage Park upang i-cover
ang mga huling oras bago ang libing ni Rudy.

"Eto na yung reality, yung katotohan," lahad ni Lorna kay
Kris. "Hindi ko na makikita, hindi ko na makakatabi. Yung memory,
yung mga iniwan niya sa akin, unti-unti nagpa-flashback sa isip ko,
sa mga bagay na nakikita ko. Yung mga itinuturo niya sa akin, yung
mga naituro niya sa akin. `Tapos kapag medyo parang doubtful ka sa
sarili mo, ano ang dapat mong gawin, sobrang dami."

Tinanong ni Kris si Lorna kung kailan niya na-reach ang point at
sinabi niya sa sarili na, "Come what may I'll stick it out with him."

"Siguro kasi, may mga nangyari before na naghiwalay din kami, like a
month, mga ganun lang. Hindi talaga umaabot ng matagal. And then,
kumbaga, parang God's way again nagkaka....kami pa rin ulit.

"Inisiip ko pa rin, doon sa tanong mo, palagay ko mula nung nagsimula
yun na yung commitment ko. Parang yun na yung promise ko na it's
gonna be him. Parang inisip ko na kung maghiwalay ako, makakuha man
ako ng iba, parang ganun din ang dadaanan ko, e. Bakit pa? So might
as well dito talaga sa tao na ang pakiramdam ko ay para sa akin
talaga and that we're meant to be," paliwanag ni Lorna.

DABOY WAS WELL-LOVED. Damang-dama sa burol hanggang libing ni Daboy
na mahal mahal siya ng kanyang mga kaibigan, especially si Senator
Jinggoy Estrada na very emotional. Grateful naman si Lorna sa mga
kaibigan ni Daboy na hindi sila pinabayaan.

"I think it's...again, the credit is kay Rudy," sabi ni Lorna. "Sa
kanya talaga. Siguro napakaganda talaga ng mga itinanim niya para
magkaroon ng napakaganda at napakabuting mga kaibigan. Para sa akin
nga, kulang ang pasasalamat sa pagdamay na ginagawa nila para sa
pamilya namin."

Sa hirap ng buhay ngayon, kahit malayo ang Heritage Park ay dinayo pa
talaga ito ng mga fans ni Daboy para lang makita siya sa huling
sandali. Ano ang reaksiyon dito ni Lorna?

"Yun ang nagpagaan ng loob sa akin," pag-amin ng biyuda ni
Daboy. "Kumbaga, yun ang hiling ni Rudy, e, na makita siya. And doon
siguro napatunayan din niya na marami talaga ang nagmamahal sa kanya.
Na marami siyang tagahanga na gustung-gusto na makita rin siya, na
makasama siya sa huling sandali niya. I feel, kung nandun siya sa
langit, ngumingiti siya with that giggle na alam mo yun, na parang
pati ikaw, e, matutuwa at matatawa kapag naggi-giggle siya."

LORNA'S ADVICE. Humingi ng mensahe si Kris kay Lorna para sa mga
tulad niya na may miyembro ng pamilya na may sakit din na cancer,
tulad ng kanyang ina at ex-President Cory Aquino. Inalam ni Kris kung
paano titimplahin na hindi sosobra ang kalinga at pagmamahal na
ibinigay ni Lorna kay Daboy sa mga taong dumaranas din ng ganitong
situwasyon.

"Siguro it's being selfless," sagot ni Lorna. "It's giving yourself
100 percent. It's knowing, first of all, the sickness. Siguro ang
hirap nga nung sa amin because in Rudy's case, it's [periampullary
cancer] so rare. Parang humahanap ka talaga ng mga bagong paraan para
lalo... You just really have to accept yung you can't find the cure
anymore.

"Ang cure ay nasa Diyos. Nasa Kanya yung milagro, nasa Kanya yung
pagbibigay ng posible. But if you want to prolong and siguro enjoy
the quality ng buhay na puwedeng ibigay mo sa maysakit at sa pamilya
rin, yun yung siguro pinakadapat mong isipin. And at the same time,
serving the person. Kasi `pag may sakit tayo, lahat ng klaseng
paglalambing, lahat ng klase ng pagmamahal, gusto nating maramdaman."

THE LIFE AFTER. Ibinahagi naman ni Lorna ang mga plano niya
pagkatapos ng libing ni Rudy kay Kris.

"I just wanna pause for a while with my children," sabi niya. "Yun na
muna siguro. Parang actually, you're asking me kanina if I'll go home
after this [burial]? And naisip ko last night, kailan ko pa haharapin
yun, di ba? Might as well, sige na, face to face na.

"Kung doon man ako, kahit magsisigaw man ako doon, umiyak ako doon
nang halos mamatay ako, after naman nun, siguradong matatapos din, di
ba? Meron namang pagtigil lahat ng bagay. Parang I feel na parang
pause na muna for myself. Yun bang, dito lang. Be quiet for a while
and fix so many things. Marami pa ring ibinilin sa akin si Rudy."

Tinanong ulit ni Kris si Lorna, "During your darkest moment, sinasabi
nila na that's the time we should think of what we are most grateful
for. Dahil doon maaalala mo na mahal ka ng Diyos. Sino at ano ang
dapat mong ipagpasalamat ngayon?"

"Unang-unang si Rudy," sambit ng aktres. "Kumbaga, maraming salamat
na nahiram ko siya. Pinahiram lang siya sa akin. Ang may-ari talaga
sa kanya ang Panginoon. Pinahiram siya sa akin, so nagpapasalamt ako
doon.

"Ang mga anak ko. Ang pamilya ko. Ang mga kaibigan na hindi tumigil,
hindi huminto, sumabay sa paglalakbay namin. Even it was a tough,
really tough journey, nandudun sila.

"Yung mga tagahanga na minsan-minsan na lang natin nararamdaman yung
pagtangkilik nila sa atin dahil bihira na nga ang paggawa ng
pelikula. Doon natin nage-gauge na talagang mahal ka ng publiko dahil
pinapanood ka nila. Dito siguro, yung trying times na ganito,
nandiyan lalo sila. Yung messages na hindi mo matatawaran habang
dinadaanan mo yung pagsubok na nandidiyan, nagdarasal silang lahat.

"Kaya nga sabi ni Rudy nUng last ano niya, sinabi niya,
nagpapasalamat siya sa sambayanang Pilipino na talagang pinagdarasal
siya, lahat ng relihiyon. I feel talaga na alam mo yun? Gusto niya
walang nag-aaway, lahat magkakabati. Hanggang sa huli parang ganun
ang gusto niyang mangyari."

Malaking kredito talaga ang dapat ibigay sa pamilya ni Rudy dahil
pumayag sila na i-share sa lahat at naintindihan nila na gusto ng
samabayang Pilipino na maging bahagi sa malungkot na sandaling ito at
i-express sa kanila na mahal na mahal sila ng aktor.

"At hindi rin naman namin itinago at ipinagkait sa kanila nung
dumating ang panahon na nalaman namin. As much as we can ini-inform
din, pero meron din sa bandang huli na parang kailangan naman para sa
pamilya," saad ni Lorna.

RUDY'S SONS. Kabilang sa maiiwan na legacy dito sa mundo ni Rudy ay
ang kanyang tatlong anak na lalaki na sina Mark Anthony, Ralph, at
Renz. Si Mark ay anak ni Rudy sa kanyang dating ka-live in na si Alma
Moreno.

Sa necrological service nung Miyerkules, June 11, sinabi ni Mark na
biggest failure siya ng kanyang ama ayon sa iba. Pero sa daddy raw
niya, he is so proud of him.

"Totoo yung sinabi niya na kumbaga, siguro dumating yung panahon na
iniisip ni Rudy na parang as a father, nag-fail siya because marami
ring pagsubok na dinaanan si Mark. Pero nalampasan naman ni Mark yun
at nagawang malampasan ni Mark yun dahil na rin siguro sa tulong ni
Rudy na mapabuti siya at mapadiretso siya. Rudy gave a tough job kay
Mark, di ba?

"At nagpapasalamat ako kay Mark na alam niya at inintindi niya na
yung ganoong klase ng pagmamahal ay tama para sa panahon na yun. And
sa ngayon, di ba, nagtatrabaho siya, mahusay siya, nahuhugutan niya
ng tamang emosyon ang lahat ng papel niya? It's because yun na nga
yung achievement na yun. Siyempre `pag bumagsak ka at umangat ka,
isang malaking achievement yun. Kaya talagang achievement na siya ng
father niya ngayon

"Kay Ralph, yun ang pinapangarap niya [maging direktor tulad ng
kanyang lolo]. Kaya unti-unti naman, kahit tapos na siya, unti-unti
marami pa rin siyanga inaalam tungkol sa likod ng industrya.

"Kay Renz, sa tingin ko papunta rin siya sa pag-aartista. Siguro
lahat ng mannerisms ni Rudy, makikita sa kanya. Pati sa pananalita,"
nangingiting pahayag ni Lorna.

Payag naman daw si Lorna na mag-artista si Renz.

"Okey sa akin basta matapos lang nila ang pag-aaral. Yun naman ang
pangarap namin ni Rudy, e."

Sa huli, sinabi ni Kris na may mga tao na alam daw nila kung gaano
kahirap ang pinagdadaanan ni Lorna. Pero minsan ba nasabi ni Lorna
na, "Hindi totoo `yan"?

"Actually, minsan nga iisipin mo, sasabihin mo parang, `Can I take it
back?' Kumbaga, `Lord sinabi kong, `Okey na. Puwede kong bawiin
ulit?' Pero hindi na, e, wala na. Alam mo yun? Ang dami, mixed
emotions talaga," pagtatapos ni Lorna.


-------------------------------------------------------------------------------------------------


Lorna, pwedeng mag-asawa ulit

Isa raw sa bilin ni Rudy Fernandez sa wife niyang si Lorna Tolentino
ay pwede naman siyang mag-asawang muli, at may sinabi rin si Rudy na
isang taong dapat niyang iwasan.

Natawa si LT sa bilin na iyon ng asawa dahil kung may magiging
interesado raw na mag-asawa siyang muli, mukhang mahihirapan ang guy
dahil ang dami niyang pagdadaanan bago makuha ang approval ng mga
nagmamahal sa kanya.

Unang-una na ang kanyang mga anak, sina Ralphe at Renz, mga kaibigan,
like si Sen. Jinggoy Estrada, na kasama sa eulogy niya noong last
night ng burol ni Rudy, na babantayan daw nilang magkakaibigan si LT
at hindi siya pwedeng magpaligaw at iyon din daw ang sinabi ni former
President Joseph Estrada na huwag na siyang mag-asawa.

Sa ngayon, hindi pa rin sigurado si LT kung ano ang gusto niyang
gawin, like iyong mga nasulat na gusto niyang ipagiba ang bahay nila o
ipa-renovate at mag-rent muna ng ibang bahay. Basta ang uunahin daw
niya ay ang bilin ni Rudy na gusto nitong pagsama-samahin na ang mga
buto ng parents niya at dalawa pang kapatid na lalaki at iyon ang
ilalagay sa nitso na katabi ng nitso niya sa The Heritage Park in
Taguig City.

May imbitasyon sa kanilang mag-iina at magkakaibigan na bakasyon sa
Boracay, at baka raw iyon muna ang gawin nila, pagkatapos ng mga
pangyayaring naganap.



-------------------------------------------------------------------------------------------------

LT, isang linggo sa Bora

By: Nitz Miralles

NGAYONG Martes ang alis nina Lorna Tolentino at mga anak na sina
Raphe at Renz para sa one-week stay sa Boracay. Sa Monday, June 23, na
ang kanilang balik.

Sasamahan sila nina Amy Austria and husband Duke Ventura, Tirso Cruz
III and wife Lyn with kids Bodie and Dyanin.

Join din sina Precy Ejercito and her baby, Isabel Rivas at iba pang
kaibigan ng actress.

Magpa-pamilya rin ang nakasama nina LT sa nine-day novena ni Rudy
Fernandez at Father's Day celebration na ginawa sa puntod ng actor sa
Heritage Park.

Dumating sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada with their
respective families, Pip and family, Ricky Davao and his two children
at iba pa.

Samantala, makaya na kaya ni LT na dumalo sa awards night ng 5th
Golden Screen Awards ng Entertainment Press sa June 24, at gagawin sa
Zirkoh Greenhills?

Siya ang nanalo sa Best Performance by an Actress in a Leading
Role-Musical or Comedy para sa Katas ng Saudi.

Si Sen. Jinggoy ang Best Performance by an Actor in a Leading
Role-Musical or Comedy for the same movie.

Bibigyan din ng EnPress ng posthumous award si Rudy.
* * *
SA 19 categories at trophies na ipamimigay sa 5th Golden Screen
Awards, walo ang nakuha ng Pisay, isang indie film produced by Solito
Arts.

Kabilang dito ang Best Picture-Drama, Best Director for Auraeus
Solito, Best Performance by an Actress in a Supporting Role-Drama,
Musical or Comedy for Eugene Domingo.

Other winners: Best Picture-Musical or Comedy, Katas ng Saudi
(Maverick Films); Cherry Pie Picache, Best Performance by an Actress
in a Leading Role-Drama for Foster Child of Seiko Films; John Lloyd
Cruz, Best Performance by an Actor in a Leading Role-Drama for One
More Chance of Star Cinema/ABS-CBN Film Foundation;

Ricky Davao, Best Performance by an Actor in a Supporting Role-Drama,
Musical or Comedy for Endo; Rhian Ramos, Breakthrough Performance by
an Actress for Ouija of GMA Films; Joem Bascon, Breakthrough
Performance by an Actor for Batanes of GMA Films & Ignite Media;
Christopher de Leon, awardee for the Gawad Lino Brocka Lifetime
Achievement Award.

-------------------------------------------------------------------------------------------------
posted by Chuchi at 7:13 PM |



2 Comments:

At 6:19 AM, Blogger Unknown said........
Nalaman ko na nais tumulong ni Ms. Lorna Tolentino sa mga cancer victim. Isa po akong tagahanga ng iyong pamilya. Alam ko po na alam ninyo ang nararamdaman ng isang may kanser. Nais ko po sana humingi ng inyong tulong. Ako si Elvira S. Lomboy, 56 gulang, widow, ng 121 Rizalina St., Cefels Park 2, Deparo, Caloocan Tel. 4194266. Isang breast cancer victim naopera-Modified Radical Mastectomy-Squamous cell carcinoma rare case ng cancer cells May 18, '07. Ayon sa oncologist na si Dr. Wilhelmino C. Bautista (MCM, Tel. 5216015/cell.#09175594559) kailangan ko uli sumailalim ng isa pa chemotheraphy session sa lalong madaling panahon dahil na-aactivate muli ang aking cancer at hwag lumala at pagkatapos ay oral medicine na. Hindi po namin kayang bayaran ang halaga ng panghuling (ika-9) chemotherapy session na 50 thousand pesos na binubuo ng 2 treatments na nagkakahalaga ng 25 thousand pesos each treatment. Ubos na rin po ang beneficiary health card ko at di rin sapat ang kinikita ng anak ko para matustusan ang pagpapagamot ko halos nabaon na po sa utang ang aking anak. Dasal ko po na sa tulong ninyo ay gumaling at madugtungan pa ang aking buhay kapiling ng aking mga anak. Tatanawin ko pong malaking utang na loob ang inyong tulong. Ang mga gamot ko po ay Navelbine (Vinorelbine 1 gm/ vial #1), Gemzar (Gemcitabine 50mg/ 5ml vial #1), Ramosetron (Nasea amp.300mcg/ 2ml vial #1). Marami pong salamat. God bless!
 



At 6:29 AM, Blogger Unknown said........
Nalaman ko na nais tumulong ni Ms. Lorna Tolentino sa mga cancer victim. Isa po akong tagahanga ng iyong pamilya. Alam ko po na alam ninyo ang nararamdaman ng isang may kanser. Nais ko po sana humingi ng inyong tulong. Ako si Elvira S. Lomboy, 56 gulang, widow, ng 121 Rizalina St., Cefels Park 2, Deparo, Caloocan Tel. 4194266. Isang breast cancer victim naopera-Modified Radical Mastectomy-Squamous cell carcinoma rare case ng cancer cells May 18, '07. Ayon sa oncologist na si Dr. Wilhelmino C. Bautista (MCM, Tel. 5216015/cell.#09175594559) kailangan ko uli sumailalim ng isa pa chemotheraphy session sa lalong madaling panahon dahil na-aactivate muli ang aking cancer at hwag lumala at pagkatapos ay oral medicine na. Hindi po namin kayang bayaran ang halaga ng panghuling (ika-9) chemotherapy session na 50 thousand pesos na binubuo ng 2 treatments na nagkakahalaga ng 25 thousand pesos each treatment. Ubos na rin po ang beneficiary health card ko at di rin sapat ang kinikita ng anak ko para matustusan ang pagpapagamot ko halos nabaon na po sa utang ang aking anak. Dasal ko po na sa tulong ninyo ay gumaling at madugtungan pa ang aking buhay kapiling ng aking mga anak. Tatanawin ko pong malaking utang na loob ang inyong tulong. Ang mga gamot ko po ay Navelbine (Vinorelbine 1 gm/ vial #1), Gemzar (Gemcitabine 50mg/ 5ml vial #1), Ramosetron (Nasea amp.300mcg/ 2ml vial #1). Marami pong salamat. God bless!