Sen. Jinggoy Estrada and Lorna Tolentino explain their side on reported issue against PMPC
Rose Garcia
Sunday, July 6, 2008
11:01 AM
Umalis patungong Middle East ang magkaibigang Senator Jinggoy Estrada
at Lorna Tolentino para sa pagpapalabas doon ngayon pa lang ng
nakaraang MMFF entry nila na Katas ng Saudi.
Bagama't naipalabas na sa Singapore, first time naman na mapapanood ng
mga Filipino sa Dubai ang naturang movie. Last Wednesday, sabay-sabay
ngang pumunta ang dalawang bida nito, along with Jinggoy's wife Prescy
Ejercito. Nakuhanan pa ng Startalk ang kanilang pag-alis patungong Dubai.
Ayon kay Jinggoy, ang primary purpose daw ng kanyang pagpunta sa Dubai
ay ang mabisita ang mga kababayang OFW na nasa death row.
"Para alamin na rin ang kanilang kalagayan at ang mga distressed OFW
natin na nasa Abu Dhabi at Dubai. Bilang chairman ng Committee on
Labor sa Senado, siguro tungkulin ko rin na tingnan ang ating mga
kababayan doon. And at the same time, ipapalabas din ang pelikula
namin ni Lorna."
First travel abroad naman daw ito ni Lorna after her husband, Rudy
Fernandez passed away. On Jinggoy's part, nami-miss daw niya si Daboy
dahil in the past, kasa-kasama nila itong mag-travel.
A LOT OF THINGS TO DO. Sa ngayon, hindi pa rin talaga masasabing
balik-aktibo si Lorna sa kanyang showbiz career. In fact, pag-uwi raw
nila pagkagaling ng Dubai, marami pa raw siyang aasikasuhin na may
kinalaman sa namayapa niyang asawa.
"Aayusin ko pa ang musoleo ni Rudy at saka...ang dami ko pang
aayusin," pahayag nga ng biyuda ni Daboy. "Hindi ko pa nga maayos ang
gamit niya, parang hindi ko pa yata magawang talaga."
Sinegundahan naman ito ni Jinggoy. Dapat nga raw matapos ang lahat ng
may kinalaman kay Rudy, on or before November 1. Para at least,
pagdating ng All Saints Day, maayos na lahat.
RUDY'S THINGS. Sa kabilang banda, wala raw problema kung sino sa
tatlong anak ni Daboy ang makakamana ng mga naiwang gamit ng ama. Sey
ni Lorna, kasya naman daw kasing lahat sa tatlong anak niya ang mga
gamit ng papa nila, even the shoes.
On July 17, ika-40 days na ng kamatayan ni Daboy. At gaya ng
nakagawian na sa mga Pinoy, sigurado raw na magpapa-mass sila and
celebrate with friends and family, doon na rin mismo sa Heritage Park
para kasama pa rin nila si Daboy.
RENZ GOING SHOWBIZ. Naitanong din kay LT ng Startalk kung kasama ba sa
plano niya ang pagsuporta sa balitang pagpasok na rin ng showbiz ng
kanilang anak na si Renz Fernandez dahil may alok ang GMA-7 rito na
mag-artista na rin.
"Okey lang...depende sa project. Kaya naman niyang ibalanse ang school
niya ngayon at saka, gusto rin naman niya," sey nga ni LT.
PMPC ISSUE. On Jinggoy's case, tinanong din ng Startalk kung totoo raw
ba na may tampo ang Senator sa PMPC (Philippine Movie Press Club)
dahil sa hindi nito pagkaka-nominate for Best Actor.
"Wala naman akong sama ng loob sa PMPC," maagap nga niyang pahayag.
"E, kung yun ang nakikita nila, na hindi ako karapat-dapat na
ma-nominate bilang Best Actor, e, wala tayong magagawa. Sa isang banda
naman, yung ibang award giving bodies, e, napansin naman ang ating
performance sa pelikula at nanalo naman, so, okey lang yun."
Yun nga lang, nasabay pa ang hindi pagsipot ni Lorna sa nakaraang Star
Awards for movies gayong matagal na naman daw nilang kompromiso ito...
"May sakit ako," pagbibigay-paliwana g naman agad ni LT. "Nagkaroon ako
ng severe tension headache na kailangan kong magpa-X-ray at saka MRI
[magnetic resonance imaging, medical procedure para makita nang mas
detalyado ang loob ng katawan ng tao]. So, yun. Nagpa-checkup na ‘ko.
Pasensiya na sila...marami nga ang nagsasabi, matagal na, buhay pa si
Rudy, alam na namin. Pero, maraming pangyayari na kailangan siguro,
maintindihan din nila."
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Paglipat ni Lorna sa Dos di pa sure
KUNG matutuloy si Lorna Tolentino na tanggapin ang offer ng ABS-CBN,
maraming Kapamilya ang matutuwa.
Maganda kasi ang naging working relationship ni Lorna with ABS-CBN
people. If my memory serves me right, Lorna was last seen in the
phenomenal Kay Tagal Kitang Hinintay bilang Red Butterfly.
Maganda ang naiwang impression ni Lorna sa mga taga-Dos.
“She is such a pro,” sabi ng kausap ko. “We’d love to work with her
again kung babalik siya sa ABS-CBN.”
Kahit ang staff ng ibang unit like talk unit, they all have good words
for LT. Lalo na no’ng height ng funeral ni Daboy.
“Hindi niya inisip ang network war. She was very accomodating to us.
She was very accomodating,” sabi naman ng isang taga-The Buzz.
It’s been weeks now and wala pa ring news sa balitang paglipat ni LT
sa ABS-CBN. Ang usap-usapan, isang drama show ang in-offer ng
Kapamilya kay Lorna.
Matuloy man ito o hindi, tiyak na ikatutuwa ng aktres ang balitang
with open arms siyang tatanggapin ng mga taga-ABS-CBN.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Lorna, masigla na ang mga mata
MUKHANG nakaka-recover na si Lorna Tolentino mula sa pagkamatay ng
mister niyang si Rudy Fernandez kamakailan. Isang panatag, maganda at
masayang Lorna kasi ang nakita namin last Sunday sa isang simbahan sa
Greenhills, San Juan.
Kasama ni Lorna ang dalawa niyang guwapong anak na sina Raphe at Renz.
Pare-parehong itim ang kanilang mga suot na damit.
Sa bandang harap namin sa loob ng simbaÂhan umupo sina Lorna at ang
dalawa niyang anak. Kumbaga, tatlong upuan lang ang nakapagitan sa
kinalulugaran namin.
Sa tingin ko, lalong nagiging malapit ang tatlo ngayong wala na si
Daboy sa piling nila. Panay ang bulungan nila, at paminsan-minsan ay
nagngingitian din.
Sa simula ay hindi mapakali si Lorna sa kanyang puwesto, dahil
nakatutok kasi sa kanya ang isang electric fan. Bagamat air-con ang
simbahan, may nakalagay pang electric fan sa bawat poste nito.
Hindi yata nakayanan ni Lorna ang nakatutok na electric fan sa kanya,
kaya ipinapatay niya ito sa anak niyang si Raphe.
Pero ilang minuto lang, lumipat din siya ng upuan sa bandang kaliwa ng
simbahan, na medyo malapit na sa poste.
At ilang segundo pa lang ang nakalilipas, bigla na naman silang
tumayo na mag-iina at lumipat ng ibang upuan, na malapit sa harap ng
altar ng simbahan.
Nandoon pala si Sen. Jinggoy Estrada kasama ang kanyang pamilya, kaya
tumabi na sina Lorna sa kanila.
Sa totoo lang, kahit alam mong nagluluksa pa rin si Lorna sa
pagkamatay ng kanyang mister, hindi maitatanggi na lutang na lutang pa
rin ang kagandahan at kapayapaan sa kanyang mukha.
Sa totoo lang, gandang-ganda ako sa mukha ni Lorna. Na kahit wala
siyang make-up nung sandaling yon, sobrang ganda pa rin ni Lorna.
Kaya ang mga tao sa paligid, hindi talaga maiwasang titigan ang
magandang mukha ni Lorna.
Sa nakita ko, may sigla na ang mga mata ni Lorna. At nakikita namin
yon tuwing napapangiti si Lorna.
Naalala nga namin ang kuwento ni Lorna sa mga huling araw ng lamay ni
Daboy. Sabi nga niya, binigyan daw siya ng blessing ni Daboy na
mag-asawang muli, kung gugustuhin niya.
Pero yun nga lang, huwag daw kasing-edad ng mga anak nila.
Sa totoo lang, hindi na ako magtataka kung putaktihin man ng mga
manliligaw si Lorna sa hinaharap, dahil sa kanyang kagandahan.
Yun nga lang, baka si Lorna mismo ay mahirapang mag-entertain ng mga
lalake, dahil hindi talaga maiiwasang ikumpara niya kay Daboy ang mga
yon.
Sa mahabang pinagsamahan nila ni Daboy, wala na nga sigurong papalit
pa rito sa puso ni Lorna.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
LORNA, TODO IYAK SA EROPLANOAbu Tilamzik
NANG umalis sina Lorna Tolentino at Sen. Jinggoy Estrada pa-Dubai,
umiyak nang umiyak si LT nang nasa eroplano na siya.
Lulan sila ng Etihad Airlines at nasa business class na sobrang
ganda ang service.
Magkakahiwalay ang mga upuan na merong nakaharang kaya hindi alam
ng katabi mo kung ano ang ginagawa mo.
Sa buong biyahe ay si Rudy Fernandez ang nasa isip ni LT. Kung
kasabay niya si Daboy sa biyahe, matutuwa ito sa ganu’n kagandang service.
First na biyahe iyon ni Lorna sa abroad na hindi na kasama si Kuya
Rudy.
Ang namayapang bestfriend din ang nasa isip ni Sen. Jinggoy
pagdating nila ng Dubai dahil sa VIP at first class na treatment sa
kanila.
Iyun ang gustung-gusto ni Kuya Rudy kaya lalo nila itong na-miss
sa biyaheng iyun.
Basta nasa Pilipinas, araw-araw ay nasa The Heritage Park si LT
para dalawin si Kuya Rudy at asikasuhin ang ipinapagawang mausoleo.
Maganda ang plano at design ng mauseleo. Tiniyak ni LT na
matatapos ito bago mag-Undas.
Sa Hulyo 18 ay magsisimula na ang pagpapalabas ng mga pelikula ni
Kuya Rudy sa ABS-CBN.
Si Lorna siyempre ang naatasang mag-promote nito.
Hindi pa raw handang magtrabaho si LT kaya parang
nagdadalawang- isip pa siya kung kaya na ba niyang humarap sa presscon
at kung makakapag-promote siya sa ilang programa ng Dos.