Lorna, Jinggoy, Cherry Pie, and John Lloyd win top acting honors in 5th Golden Screen Awards
Rose Garcia
Wednesday, June 25, 2008
01:24 PM
Isang matagumpay na gabi para sa bumubuo ng Entertainment Press
Society (Enpress) ang 5th Golden Screen Awards for Movies na ginanap
kagabi, June 24, sa Zirkoh Greenhills.
Halos lahat ng winners sa bawat kategorya ay dumating at karamihan din
ay nag-stay pa hanggang sa matapos ang mismong event. Kaya naman sa
bihirang pagkakataon ay napagsama-sama at nakunan ang mga winner nang
sabay-sabay silang umakyat sa stage ng Zirkoh for the photo op.
Mababakas din sa mga nanalo ang kasiyahan na sila ang nabigyan ng
pinakamataas na parangal ng Enpress.
Ilan sa mga unang dumating ay ang mga host ng gabing yun na sina John
"Sweet" Lapus, JC de Vera, Rufa Mae Quinto, at Rhian Ramos. Gayundin
sina Erik Santos, na siyang kumanta sa opening number; ang magkapatid
na Glaiza de Castro (na nominee for Best Performance by an Actress in
a Leading Role-Drama para sa Still Life) at si Alchris Galura (last
year's winner for Best Performance by An Actor in a Leading
Role-Drama); ang StarStruck 4 Avengers na sina Stef Prescot at Paulo
Avelino, at si Will Sandejas from the movie Sikil.
In full force naman dumating ang cast at production people behind the
independent film Pisay, na siyang nag-dominate in this year's Golden
Screen Awards. Aside for Best Picture at Best Original Screenplay, ang
Pisay director na si Aureaus Solito rin ang nanalong Best Director.
Nanalo rin ang Pisay sa iba pang categories, tulad ng Best Original
Song, Best Musical Score, at Best Editing.
Late na nang dumating si Aureaus dahil kinailangan pa raw niyang
mag-undergo ng minor surgery for his feet, pero nakahabol pa ito nang
ang Best Picture for Drama na ang pinarangalan. Siya na ang tumanggap
ng award.
Comic relief si Eugene Domingo, na nanalong Best Actress in a
Supporting Role for Pisay. Nang tawagin kasi ni Sweet ang pangalan
niya ay nagkunwaring na-surprise pa sa award kahit pre-announced na
ang winners.
Sa speech ni Eugene ay nasabi niyang noong nag-aaral daw siya ng high
school, isa sa mga back subject niya ang Science. Pero ironically, ang
role niya as a Science teacher sa Pisay ang nakapagbigay sa kanya ng
kanyang unang tropeyo sa Enpress. Bukod sa direktor ng movie,
pinasalamatan din ni Eugene ang kaibigang si Cherry Pie Picache at si
Direk Andoy Ranay.
Hindi naman nakarating at nagpaabot na lang ng pasasalamat at
paumanhin ang nanalong Best Actor in a Supporting Role na si Ricky
Davao for Endo. Kasalukuyan pa raw kasi siyang nagte-taping ng
Dyesebel noong gabing yun.
Very pretty naman si Rhian Ramos kagabi at masayang-masaya ito sa
natanggap na karangalan bilang Breakthrough Performance by An Actress
for Ouija. Gayundin si Joem Bascon na nanalo sa kategoryang
Breakthrough Performance by An Actor for Batanes.
All the top performance awards were present that night, sa pangunguna
nina John Lloyd Cruz, Best Performance by an Actor in a Lead
Role-Drama for One More Chance; Cherry Pie Picache, Best Performance
by an Actress in a Lead Role-Drama for Foster Child; Jinggoy Estrada,
Best Performance by an Actor in a Lead Role-Musical or Comedy for
Katas ng Saudi; at si Lorna Tolentino, Best Performance by an Actress
in a Lead Role-Musical or Comedy for Katas ng Saudi.
Ito ang first public appearance ni Lorna after her husband, Rudy
Fernandez, passed away. Halos magkakasabay na dumating sina LT,
Jinggoy and wife Precy Ejercito, Phillip Salvador, at Bong Revilla sa
venue.
Ayon kay LT, marami raw silang isina-suggest ng namayapang asawa na si
Daboy kay Jinggoy sa kung sino ang puwede nitong maging leading lady
for Katas ng Saudi. Pero siya rin daw pala ang kukunin. Ikinuwento rin
ni LT na gustung-gusto ni Rudy ang movie na ginawa nila ni Jinggoy
dahil nang panoorin daw nila ito, talagang tawa raw nang tawa at
na-touch din si Daboy sa ilang eksena.
Malaking bagay rin for LT ang natanggap na karangalan dahil ngayon
lang daw siya nakatanggap ng award for a comedy film.
Sa speech ni Jinggoy, natatawang biro nito na ang Katas ng Saudi ang
isa sa pinakamatinong movie na ginawa niya. Inihandog niya rin ang
pagkapanalo niya sa best friend niyang si Daboy at sa lahat ng OFW.
Mismong araw naman ng kaarawan ni John Lloyd kahapon, pero kahit na
kasalukuyang nagdi-dinner kasama ang kanyang buong pamilya at
malalapit na kaibigan, dumating at nag-stay pa rin si John Lloyd sa
Zirkoh. Tila nagsilbi pa nga itong reunion sa mga nakasama niya sa
Maging Sino Ka Man na sina Christopher de Leon at Phillip Salvador.
John Lloyd shared his trophy with his co-nominees at nagsabing para sa
kanilang lahat yun. Ayon kay John Lloyd, napakagandang birthday gift
for him ang naturang award. Very much honored din ang young actor
dahil ang nag-abot ng award sa kanya ay ang last year's winner for
Best Actress na si Ms. Gina Pareño.
Bago naman ang pagbibigay ng Gawad Lino Brocka Lifetime Achievement
Award kay Christoper de Leon, naghandog ng isang song number ang
kaibigang si Tirso Cruz III bilang parangal kay Boyet sa pamamagitan
ng kantang "Bridge Over Troubled Water."
Si Ms. Caridad Sanchez, isa sa mga naging artista ni Direk Lino Brocka
noon, ang nag-present ng natatanging parangal para sa mutli-awarded
actor. Sa kanyang speech, muling pinasalamatan ni Boyet ang naging
mentor at director niya at nagpaalala sa lahat ng kakaibang passion at
adhikain ni Direk Lino sa industriya at sa bansa na masasalamin sa
bawat obra nito.
Ang biyuda ni Daboy na si LT ang tumanggap ng posthumous award sa
namayapang aktor, na iprinisent ng tatlo nitong matatalik na kaibigan
na sina Jinggoy, Bong, at Phillip. Pero bago ang pagbibigay ng award,
nakakatuwang tinupad ng tatlong magkakaibigan ang kanilang pangako na
darating at kakanta sila nang live sa awards night para sa alaala ni
Daboy.
Tahimik sa buong Zirkoh habang kumakanta ang tatlo at umani sila ng
masigabong palakpakan after rendering the song "Paalam Daboy." Silang
tatlo rin ang tumawag kay LT, na ayon sa kanilang introduction ay
"ulirang kaibigan, ulirang ina, at ulirang asawa."
Ilang linggo pa lamang ang nakalipas mula nang bawian ng buhay si
Daboy, pero nagawa ni LT na maging less emotional at na-control niya
kung anumang kalungkutan ang nasa kanyang puso dahil sa pagkawala ng
asawa.
Bukod sa mga artistang nabanggit, dumating din para mag-present ng
award at mag-perform sina Yasmien Kurdi, Bobby Andrews, Maggie Wilson,
K Brosas, Lance Raymundo, at marami pang-iba.
Bawat winner ay natuwa na bukod sa kanilang tropeyo, may bitbit pa
silang sangkaterbang loot bags from the following sponsors of the
Golden Screen Awards: San Miguel Beer, Hataw, Ysa Botanica, Filgen
makers of ST scouring pad, Crystal Clear, Gran Matador, KSA Magic,
Stellar, Jaa's bags, Errizaro, Bristol shoes, Fernando's bakery,
Africa's Catering, Charms & Crystal, Edward dela Cuesta's Photography,
at HBC Splash.
Narito ang kumpletong list ng mga nanalo sa 5th Golden Screen Awards
ng Enpress:
Best Motion Picture (Drama) - Pisay (Solito Arts)
Best Motion Picture (Musical or Comedy) - Katas ng Saudi (Maverick Films)
Best Performance by an Actress in a Lead Role (Drama) - Cherry Pie
Picache (Foster Child)
Best Performance by an Actor in a Lead Role (Drama) - John Lloyd Cruz
(One More Chance)
Best Performance by an Actress in a Lead Role (Musical or Comedy) -
Lorna Tolentino (Katas ng Saudi)
Best Performance by an Actor in a Lead Role (Musical or Comedy) -
Jinggoy Estrada (Katas ng Saudi)
Best Performance by an Actress in a Supporting Role (Drama, Musical or
Comedy) - Eugene Domingo (Pisay)
Best Performance by an Actor in a Supporting Role (Drama, Musical or
Comedy) - Ricky Davao (Endo)
Breakthrough Performance by an Actress - Rhian Ramos (Ouija)
Breakthrough Performance by an Actor - Joem Bascon (Batanes)
Best Director - Auraeus Solito (Pisay)
Best Original Screenplay - Henry Graheda (Pisay)
Best Cinematography - Larry Manda (Maling Akala)
Best Editing - Mikael Angelo Pastrano, Kanakan Balintagos (Pisay)
Best Production Design - Martin Masadao, Regie Regalado, Dante Garcia,
Endi Balbueno (Pisay)
Best Sound - Ditoy Aguila (Kadin)
Best Musical Score - Vincent de Jesus, Jobin Ballesteros (Pisay)
Best Original Song - "Ang Puso Kong Musmos" from the movie Pisay,
lyrics by Carina Evangelista, music by Buddy Zabala and Ernest
Mangulabnan, interpreted by Ebe Dancel
Best Visual Effects - Still Life