Saturday, August 30, 2008
Allan Diones

KAHIT pagod pa mula sa 12-day pilgrimage sa Holy Land kasama ang
kanyang dalawang anak ay wala pa ring kupas ang ganda ng biyuda ni
Rudy Fernandez na si Lorna Tolentino nang humarap siya sa press
kahapon para sa media launch ng ineendorso niyang PLDT myDSL.

"Nakakapagod `yung biyahe, although siyempre, masarap `yung
pakiramdam na marami kang natutunan.
"It's really an encounter with God. Kung ano `yung mga nangyari at
pinagdaanan Niya at paano Siya naging saviour ng lahat," bulalas ni
Ms. LT hinggil sa katatapos na trip nila ng anak niyang sina Ralph
at Renz.

Naging emosyonal ba siya sa nasabing biyahe?
"Only doon sa first church na pinuntahan namin, sa Church of
Ascension (sa Israel). It's a church for widows talaga, eh. So,
medyo touchy `yung moment ko do'n. Umiyak ako.
"Kasi nga, I talked to Rudy, sabi ko, magparamdam siya sa akin. And
then, bigla akong kinilabutan. Pati `yung hair ko, big­lang nag-
stand! `Yung ulo ko, parang lumaki. Parang naramdaman ko, nandu'n
siya talaga sa loob and I was alone at that time…
"I know he's always beside me. I know he's always there, mas mala­kas
lang `yung physical and spiri­tual presence na naram­daman ko du'n sa
Holy Land. Mas alam mong nandu'n talaga siya.
"Nu'ng sinabi kasi nila sa akin na `yun `yung church for widows,
pumasok ako sa loob right away. At `yun, napaiyak ako! And I prayed
to God to continue to give him (Rudy) joy up there," pahayag pa ng
aktres, na medyo tumaba na at nag-gain ng 5 pounds.

Ayon kay Ms. LT, plano `yon noon nina Sen. Bong Revilla at Sen.
Jinggoy Estrada. Pagkatapos dapat ng whipple operation kay Daboy ay
pupunta sila ng Holy Land, pero hindi na­tuloy ang balak na `yon ng
magkakaibigan. Kaya naisip ni Lorna na sila na lang ng mga bata ang
magtuloy nito.

After niyang makapag-tour sa Israel, Egypt at Jordan, ano'ng
pakiramdam niya?
"It's a lighter feeling. Parang `yung sometimes na denial stage ko,
parang unti-unti, medyo nawawala.
"Although siguro, depende rin sa moment to moment encounter ko. Ha!
Ha! Ha! Depende rin sa si­tuation na nangyayari, `di ba? But now,
medyo mas magaan dalhin."
So, handa na ba ulit siyang humarap sa trabaho?
"Unti-unti! Ha! Ha! Ha! Hindi ko masasabi kung kelan ako ulit
magiging ready to work. Inu­unti-unti ko. Like ito naman (myDSL
endorsement niya), hindi naman ito `yung everyday na trabaho, `di
ba?

"Tapos gagawin namin `yung H.O.P.E. CD (se­cond volume) na Wings of
My Soul, it's actually for him (Daboy) as well. `Yung proceeds no'n,
ma­pupunta sa cancer patients at sa foundation," sabi pa ng magandang
aktres.
Idea ni Ms. Pinky Tobiano ng Star Records (na kasama ni Ms. LT sa
Holy Land) ang nasabing CD. Sinulatan na raw nila ang mga singer na
magre-record ng kanta para sa album, na karamihan ay malapit kay
Daboy.

Ani Ms. LT, `yung naunang H.O.P.E. CD ang kadalasang pinakikinggan
ng cancer patients habang nagki-chemo treatment.
Ang bagong volume na gagawin nila ay may narration niya tungkol sa
prosesong dinaanan nila ni Daboy at ng kanilang pamilya.
Songs na mas rela­ted sa `loss in the family' ang magiging laman ng
H.O.P.E. CD 2.

May isang kantang ire-record si Lorna na
pinagpipilian niya pa kung Far from Home o If It Be Your Will.
Humingi siya ng tulong mula sa asawa ni Amy Austria na si Duke
Ventura na mas nakakaalam sa pagtatayo ng foundation at itinatag
nila ang Rudy Fernandez Cancer Foundation.
Ang kikitain mula sa Wings of My Soul CD ay ibibigay roon.
Siyanga pala, may interbyu kay Lorna ang Startalk ngayong hapon sa
GMA 7.
posted by Chuchi at 7:06 AM |



0 Comments: