Saturday, August 30, 2008

Muling humarap sa entertainment press ang aktres na si Lorna Tolentino kaninang tanghali, August 29, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kaugnay ng pagiging endorser niya ng PLDT myDSL. With five pounds added to her weight, Lorna faced the members of the press in a black and white dress.

Bago pala umalis si Lorna papuntang Holy Land, ginawa na niya ang iba't ibang versions ng "Mommy to Mommy Sharing Moments," na napapanood na ngayon exclusively sa mga shows sa GMA Network, na matagal na raw working partner ng PLDT. Hindi pa masagot ng PLDT kung ano ang mangyayari sa less than a year contract ni Lorna sa kanila, kung sakaling lumipat na ang aktres sa ABS-CBN.

Tinamaan ba si Lorna nang una niyang mabasa ang script sa TV commercial? Sa naturang TVC kasi ay nagkaroon siya ng communication with her friends through the Internet pagkatapos mawala sa kanila ang asawang si Rudy Fernandez?

"May mga binago lang ako sa first draft ng script, at sa second draft, mga ilang lines doon na kinailangan ko na lang damdamin dahil that time, I'm trying na my best to heal. Maganda kasi, sa pamamagitan nito, madali kong nakaka-chat ang mga friends ko when I'm feeling lonely.

"Nagiging bonding moments din namin ito ng mga anak ko dahil nakakapag-download kami ng movies, songs, and videos, nagagamit din nila ito para sa kanilang researches sa school lalo na si Renz. Sa pamamagitan nito, nale-lessen ang longings namin for Rudy, na siyempre, hindi na forever naming makakalimutan," lahad ni Lorna.

PILGRIMAGE TO THE HOLY LAND. Pinagkuwento rin ng entertainment press si LT tungkol sa kanilang 12-day inner healing pilgrimage sa Holy Land.

"Nag-start kami sa Egypt bago kami pumunta ng Israel, sa Holy Land," simula ni Lorna. "No regrets kami ng mga anak kong sina Ralph at Renz kahit talagang mahirap. It's sacrifice and penitence. Noong una, sabi nila, bakit daw kailangan pa naming pumunta ng Holy Land, puwede naman daw naming gawin ang healing process dito sa Pilipinas.

"Nanibago rin kasi ang mga anak ko dahil as early as 5:30 a.m., gising na kami. Iisa lang kasi ang bathroom sa hotel room namin, kaming tatlo pa ang maliligo. But later on, naintindihan din nila at naramdaman na nila ang ginagawa namin. Very hectic talaga ang schedules namin, but it's a very humbling experience na kami ang nagbubuhat ng aming mga luggages. Kung sumasakay man kami ng bus, nilalakad lang namin ang lahat ng lugar na nasa itinerary namin."

Nagpunta rin daw sila sa Tel Aviv, sa Church of the Anunciation. Mayroon din daw nag-renew ng marriage vows sa Church of Cana in Nazareth. Napuntahan din nila ang Mt. Carmel; Church of the Transfiguration; Stella Maris Church; Sea of Galilee; Church of the Beatitudes; Tabgha in Capernaum, kung saan nangyari ang multiplication of the bread; St. Peter of Galicanto Church; Garden of Gethsemani; Via Dolorosa; and Church of the Calvary, the exact location where Jesus was crucified; The Shepherds Field in Bethlehem; The Star of Bethlehem, the exact location where Baby Jesus was born; and the Jordan River, na muli kaming na-baptize.

"Hindi lang ‘yon, inner healing process kundi naramdaman ko talaga ang direct encounter with the Lord. Doon pa lang, parang nabawasan na yung denial state ko, naging lighter na rin ang feeling ko. Dahan-dahan, makakabalik na rin ako, pero hindi pa katulad ng dati na sunud-sunod ang trabaho ko," lahad ng biyuda ni Daboy.

PHYSICAL HEALING. Balitang may mga na-heal sa pilgrimage na ‘yon dahil ang ibang kasama nila ay cancer patients din. Siya ba ay may naramdamang healing?

"Yes, may miracle physical healing ding nangyari sa akin, ‘tulad ng ibang mga nakasama namin sa pilgrimage," sagot ni Lorna. "Bago kasi kami umalis, nag-underwent muna ako ng MRI test dahil sa severe headache na nararamdaman ko lagi after the death of Rudy. Nakita sa result na ang mga veins ko sa head ay may mga parang beads at hindi diretso ang veins, parang may humps.

"Last Tuesday [August 26], may naramdaman na naman akong sakit sa ulo pero bearable na, kaya medyo natakot na naman ako. Nag-underwent ako ng second MRI, but miracle of miracles, nakita sa result na ang mga veins ko sa ulo, diretso na, very smooth na, wala na ‘yong parang humps. Iyon din pala ang petition for healing ng mga anak ko, na mawala na ang pagsakit-sakit ng ulo ko. Kaya talagang, ‘Thank you, Lord!'

STILL UNDECIDED. Kumusta naman ang offers sa kanya ng GMA-7 at ABS-CBN?

"Wala pa rin akong tinatanggap sa offers sa akin," sabi ni Lorna. "Hinihintay ko pa ang ginagawang contract para sa akin ng ABS-CBN, at kung magiging happy ang puso ko sa ginawa nilang kontrata, pag-uusapan namin ‘yon ni Nanay Lolit [Solis, her manager].

"Ayoko nang sumali sa network war. Tapos na ang three-year contract ko sa GMA Network, nakapagtrabaho rin ako sa ABS-CBN for two years. Kung babalik ako doon, alam ko maiintindihan naman ako ng GMA. Pero wala pa naman akong final decision, pag-aaralan ko pa ring lahat."

May mga nasulat na siya raw ang gaganap na mother ni Ryan Agoncillo sa afternoon Sine Serye ng ABS-CBN, ang Pieta. Totoo ba ito?

"Wala, wala akong alam tungkol doon. Wala pa namang kumakausap sa akin," paglilinaw ni Lorna.

"Pero nagpadala ang GMA Network ng contract for Ralph para magdirek sa kanila at kay Renz para sa isang project. Pero pinag-iisipan pa niya, kasi gusto muna yata niyang tapusin ang studies niya sa UP Diliman. He's second year college na sa Philosophy. Pag-uusapan pa namin ‘yon ni Nanay Lolit dahil sino pa ba ang magma-manage sa kanila kundi siya?" natatawang wika ni Lorna.

INSPIRATIONAL CD. Sa ngayon, una na munang inaasikaso ni LT ang Rudy Fernandez Cancer Foundation at ang CD album na Wings of My Soul, kung saan dalawang songs ang kakantahin niya, ang "Far From Home" at "If It Be Your Will." Ipu-produce ito ni Pinky Tobiano na nakasama rin niya sa pilgrimage at iri-release ng Star Records.

"Inimbita niya akong mag-conceptualize ng CD na I will also do some narrations, select songs, and invite some of my friends to sing," sabi ni Lorna.

Napadalhan na raw nila ng letters sina Johnny Delgado, Tirso Cruz III, Edgar Mortiz, Christopher de Leon, Sen. Bong Revilla, Sen. Jinggoy Estrada, Phillip Salvador, and Sharon Cuneta "who are more than willing to do it. "

Ang proceeds ng sales ng album will go to the foundation. Ang CD ay patutugtugin din para sa mga cancer patients habang nag-a-undergo sila ng chemotherapy para mabawasan ang nararamdaman nila during the process.

With so many things keeping her busy, Lorna no doubt, is moving on, making life more meaningful.

posted by Chuchi at 6:57 AM |



0 Comments: