Saturday, August 30, 2008
By JOJO GABINETE


NAKARAMDAM kami ng lungkot nang mapanood namin ang tatlong version ng TV ad campaign ni Lorna Tolentino para sa MyDSL ng PLDT.

Tagos sa puso ang mga salita ni Lorna tungkol sa suporta na natatanggap niya mula sa kanyang pamilya at kaibigan sa pamamagitan ng mabilis na Internet connection ng MyDSL.

Malakas ang impact ng TV ad dahil alam namin na bukal sa puso ang mga sinabi ni LT.

Nakaramdam kami ng lungkot habang pinanood ang TV ad ni LT dahil sa realization na napakabilis ng mga pangyayari sa kanyang buhay.

Ipinakita sa MyDSL TV ad ang litrato ni Lorna habang hinahalikan siya ng kanyang mga anak na sina Raphe at Renz.

Wala sa litrato si Rudy Fernandez dahil ito ang photographer ng lara­wan.

May kurot sa puso ang litrato dahil may kulang, ang nakaka-miss na presence ni Kuya Rudy.


***

Never-ending ang suporta kay Lorna ng kanyang mga kaibigan kaya naisip niya na imbitahan ang mga close friend para maging bahagi ng se­cond volume ng H.O.P.E. CD ng Star Records.

Si Lorna ang magi­ging narrator ng CD at siya rin ang pipili ng mga kanta.

Sina Tirso Cruz 111, Edgar Mortiz, Christopher de Leon, Senator Bong Revilla, Senator Jinggoy Estrada, Phillip Salvador at Sharon Cuneta ang ilan sa mga kaibigan na lalapi­tan ni LT para umawit ng mga kanta na isasama sa H.O.P.E. CD album.

Ang foundation na mapipili ni LT at ang I Can Serve Foundation ang mga makikinabang sa kikitain ng nabanggit na CD.
posted by Chuchi at 7:01 AM |



0 Comments: