Wednesday, April 08, 2009
Abu Tilamzik

NABIGLA yata si Lorna Tolentino nang mag-ta­ping sa isang epi­sode ng Maalaala Mo Kaya kamakalawa.
Isang martir na asawa ang ginampanan ni LT kaya madugong iyakan at bugbugan ang inabot niya.

“Ang dami ko pa namang nakareserbang luha, naubos yata,” natatawa niyang pahayag.
Dalawang araw ang taping niya, pero sa unan­g araw pa lang ay nagkasakit na siya dahil sa sobrang pagod sa mga mabibigat na eksena.
Nanibago siya dahil mahigit isang taon din siyang hindi nakapag-ta­ping o umarte sa harap ng kamera.

Natutuwa si LT sa magandang trato sa kanya ng mga taga-ABS-CBN 2. Pinaghahandaan na ang teleserye niya kasama sina John Estrada at Gabby Concepcion.
Baka matuloy din ang guesting niya sa May Bukas Pa.

Kasama ni LT sa MMK sina Albert Martinez at John Wayne Sace.
Nagulat si LT kay John Wayne dahil napaka­galing daw pala nitong umarte. Hindi siya nahirapang makapaghugot ng tamang emote dahil sa galing ni John Wayne na kaeksena niya.
Hindi siya makapagpigil, talagang pinuri niya si John Wayne sa galing nito sa pag-arte.
posted by Chuchi at 9:31 PM |



0 Comments: