Sunday, July 20, 2008
By Marinel Cruz
Philippine Daily Inquirer
First Posted 03:18:00 07/20/2008


MANILA, Philippines - It seems actress Lorna Tolentino is not about to let go of the memory of her husband, action star Rudy Fernandez, just like that.

The actress has decided to postpone working until September to concentrate on raising funds for cancer patients. Fernandez passed away in June after a two-year battle with cancer.

“Just like any individual who goes through grief, loss and pain, I want to give myself enough time to heal and accept things,” Lorna told Inquirer Entertainment during a gathering last week to commemorate the 40th day of Rudy’s death.

Inspirational CD

“Right now, I’m asking friends to commit to recording inspirational songs for the CD I plan to release,” Lorna said of the musical collection, with the working title “Hope: Part 2,” to be produced by Star Records. “Proceeds will go to cancer patients who cannot afford medication and are having a hard time dealing with chemotherapy.”

Lorna is also set to join cancer survivors and relatives and friends of cancer-stricken individuals on a two-week pilgrimage to the Holy City in Jerusalem in August.

Expressing her desire “to help spread cancer awareness,” the actress also raised the possibility of soliciting donations from a known charitable institution.

Lorna, who wore a loose-fitting black dress that only drew attention to her very lean frame, admitted that she has been suffering severe headaches.

“This happens whenever I experience intense emotion,” she said. “I take pain killers once in a while. It’s not so bad, really. I try to cope each day.”

Worried friends

Lorna’s friends, actresses Sandy Andolong and Isabel Rivas, admitted that they worry about her. “I keep telling her, ‘magpataba ka naman ng konti,’” said Isabel. “Lorna told me that it was only recently that she realized all the suffering that Rudy went through. She said she went through all that, too.”

Sandy added: “After everything was over, that’s when she started feeling emotional and physical stress. Her recent trip to Boracay was good for her. It’s also great that she has agreed to join a Holy City pilgrimage.”

“I don’t feel so good, but I don’t feel so bad, either,” Lorna said in an interview with the news program “24 Oras.” “My sons (Renz and Ralph) and I take care of one another. We talk a lot. We make sure we know how each of us is feeling.”

A Mass, celebrated by priests Sonny Ramirez and Eric Santos, was held on July 16 at the Heritage Memorial Park in Taguig City. The priests talked about healing, loving and of moving on.

“The experience has made Lorna stronger and more courageous,” Fr. Ramirez said in his homily. “Lorna just told me, ‘I will not stop here. I will continue to help people in their fight with cancer.’”

Rudy’s sisters Merle and Marie, his best friends Domy de Guzman, Bong Revilla and Phillip Salvador, colleagues Eric Quizon, Johnny Delgado, Gloria Romero, Celia Rodriguez, Lily Monteverde, Armida Siguion-Reyna, Lani Mercado and Lolit Solis were also present at the gathering.
posted by Chuchi at 5:48 AM | 2 comments
Nora Calderon

Thursday, July 17, 2008
04:34 PM


"Moving on" ang sagot ni Lorna Tolentino nang kumustahin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago nagsimula ang Holy Mass para sa paggunita sa 40th day ng pagkamatay ng asawa niyang si Rudy Fernandez kagabi, Wednesday, July 16, sa The Heritage Park Chapels, the same place kung saan ibinurol si Rudy. Ang misa ay pinasimunuan nina Rev. Fr. Sonny Ramirez at Rev. Fr. Erik Santos, dalawang pari na close sa family ni Rudy.



Ginawang light ni Fr. Erik ang kanyang homily at may mga pagkakataon na napapatawa si Lorna, na katabi ang mga anak na sina Ralphe at Renz, sa kuwento niya. Tinanong ng pari si Lorna kung nagpakita na raw ba sa kanya si Rudy kahit sa panaginip lang niya. Napangiti si Lorna at sumagot na napanaginipan daw niya minsan na hinahalikan siya ng yumaong mister na akala niya ay totoo nang magising siya.



"Lorna is a picture of grace under pressure which is courage," sabi naman ni Fr. Sonny. "Noong nabubuhay pa si Rudy, nakausap ko siya. Sinabi niya sa akin na si Lorna raw ang dahilan ng lahat kung bakit buhay pa siya. Kung wala raw si Lorna, noong isang taon pa siya namatay. But now, kung nakikita tayo ni Rudy, tiyak na masaya siya dahil nakikita niyang naritong muli, magkakasama ang mga mahal niyang pamilya at mga kaibigan."



Tiyak namang nami-miss ni Senator Jinggoy Estrada ang oras na ‘yon dahil bukas, July 18, pa ang dating niya from the States, ayon sa misis nitong si Precy. May speaking engagement kasi si Jinggoy roon at hindi na siya nakahabol para sa 40th day ng best friend niya. Pero present ang best friends din nilang sina Senator Bong Revilla at Phillip Salvador.



Ilan pa sa mga namataan ng PEP sa misa ay sina Ms. Susan Roces, Manay Ichu Maceda, Ms. Gloria Romero, Ms. Armida Siguion-Reyna, Lani Mercado, Sandy Andolong, Isabel Rivas, Eric Quizon, Paolo Contis, Johnny Delgado, Lolit Solis, Andeng Bautista-Ynares, Bibeth Orteza, atbp.



Naroon din ang executives ng GMA-7 na sina Marivin Arayata, Redgie Acuña-Magno, at Lilybeth Rasonable. Mula naman sa ABS-CBN ay dumating sina Ms. Malou Santos, Millet Santos-Mortiz, directors Olive Lamasan, Rory Quintos, and Trina Dayrit.



Wala ang panganay na anak ni Daboy na si Mark Anthony Fernandez na nagte-taping ng Ako Si Kim Samsoon sa Tagaytay, pero dumating naman ang kanyang misis na si Melissa at ang kanilang anak. Nagkamali raw ng paalam si Mark Anthony na nasabi nito na July 17 ang pa-40th day ng papa niya, kaya nag-schedule ang executive producer ng taping ng July 16 sa halip na July 17 na siyang regular taping day nila.



Nakausap pa ng PEP si Lorna pagkatapos ng Holy Mass. Tinanong namin siya kung ano na ang plano niya ngayong naka-40 days na si Rudy.



"Nagmu-move on na ako," sagot ni Lorna. "Isa nga rito ‘yong gusto kong pumunta sa Holy Land [Jerusalem] kasama ang mga cancer patients. Malalaman ko bukas [July 17] ang details ng trip.



"Gusto ko ring gumawa ng CD na maglalaman ng talks ko about cancer. Sasamahan ko ito ng inspirational messages na ire-request ko sa mga celebrity friends ko na mag-record para sa CD, na alam kong makatutulong sa pinagdadaanan ng mga mga cancer patients."



Tatapusin pa rin niya ang ibang ibinilin sa kanya ni Rudy na gawin niya, pero ang hindi pa raw niya kayang simulan ay ang pag-aayos ng gamit ni Rudy.



Kumusta ang pagbabalik niya sa trabaho? Sa GMA-7 pa rin ba o sa ABS-CBN na?



"Wala pa, hindi pa ako nakapagdedesisyon. Pero baka this coming September, puwede na akong bumalik magtrabaho," nakangiting sagot ni Lorna.
posted by Chuchi at 5:46 AM | 0 comments
Saturday, July 19, 2008
Lorna Tolentino talks about coping with loss of Rudy Fernandez


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
posted by Chuchi at 4:07 AM | 0 comments
Tuesday, July 15, 2008







July 13, 2008

video c/o etco08
posted by Chuchi at 4:25 AM | 0 comments
Friday, July 11, 2008

Sen. Jinggoy Estrada and Lorna Tolentino explain their side on reported issue against PMPC

Rose Garcia

Sunday, July 6, 2008
11:01 AM


Umalis patungong Middle East ang magkaibigang Senator Jinggoy Estrada
at Lorna Tolentino para sa pagpapalabas doon ngayon pa lang ng
nakaraang MMFF entry nila na Katas ng Saudi.

Bagama't naipalabas na sa Singapore, first time naman na mapapanood ng
mga Filipino sa Dubai ang naturang movie. Last Wednesday, sabay-sabay
ngang pumunta ang dalawang bida nito, along with Jinggoy's wife Prescy
Ejercito. Nakuhanan pa ng Startalk ang kanilang pag-alis patungong Dubai.

Ayon kay Jinggoy, ang primary purpose daw ng kanyang pagpunta sa Dubai
ay ang mabisita ang mga kababayang OFW na nasa death row.

"Para alamin na rin ang kanilang kalagayan at ang mga distressed OFW
natin na nasa Abu Dhabi at Dubai. Bilang chairman ng Committee on
Labor sa Senado, siguro tungkulin ko rin na tingnan ang ating mga
kababayan doon. And at the same time, ipapalabas din ang pelikula
namin ni Lorna."

First travel abroad naman daw ito ni Lorna after her husband, Rudy
Fernandez passed away. On Jinggoy's part, nami-miss daw niya si Daboy
dahil in the past, kasa-kasama nila itong mag-travel.

A LOT OF THINGS TO DO. Sa ngayon, hindi pa rin talaga masasabing
balik-aktibo si Lorna sa kanyang showbiz career. In fact, pag-uwi raw
nila pagkagaling ng Dubai, marami pa raw siyang aasikasuhin na may
kinalaman sa namayapa niyang asawa.

"Aayusin ko pa ang musoleo ni Rudy at saka...ang dami ko pang
aayusin," pahayag nga ng biyuda ni Daboy. "Hindi ko pa nga maayos ang
gamit niya, parang hindi ko pa yata magawang talaga."

Sinegundahan naman ito ni Jinggoy. Dapat nga raw matapos ang lahat ng
may kinalaman kay Rudy, on or before November 1. Para at least,
pagdating ng All Saints Day, maayos na lahat.

RUDY'S THINGS. Sa kabilang banda, wala raw problema kung sino sa
tatlong anak ni Daboy ang makakamana ng mga naiwang gamit ng ama. Sey
ni Lorna, kasya naman daw kasing lahat sa tatlong anak niya ang mga
gamit ng papa nila, even the shoes.

On July 17, ika-40 days na ng kamatayan ni Daboy. At gaya ng
nakagawian na sa mga Pinoy, sigurado raw na magpapa-mass sila and
celebrate with friends and family, doon na rin mismo sa Heritage Park
para kasama pa rin nila si Daboy.

RENZ GOING SHOWBIZ. Naitanong din kay LT ng Startalk kung kasama ba sa
plano niya ang pagsuporta sa balitang pagpasok na rin ng showbiz ng
kanilang anak na si Renz Fernandez dahil may alok ang GMA-7 rito na
mag-artista na rin.

"Okey lang...depende sa project. Kaya naman niyang ibalanse ang school
niya ngayon at saka, gusto rin naman niya," sey nga ni LT.

PMPC ISSUE. On Jinggoy's case, tinanong din ng Startalk kung totoo raw
ba na may tampo ang Senator sa PMPC (Philippine Movie Press Club)
dahil sa hindi nito pagkaka-nominate for Best Actor.

"Wala naman akong sama ng loob sa PMPC," maagap nga niyang pahayag.
"E, kung yun ang nakikita nila, na hindi ako karapat-dapat na
ma-nominate bilang Best Actor, e, wala tayong magagawa. Sa isang banda
naman, yung ibang award giving bodies, e, napansin naman ang ating
performance sa pelikula at nanalo naman, so, okey lang yun."

Yun nga lang, nasabay pa ang hindi pagsipot ni Lorna sa nakaraang Star
Awards for movies gayong matagal na naman daw nilang kompromiso ito...

"May sakit ako," pagbibigay-paliwana g naman agad ni LT. "Nagkaroon ako
ng severe tension headache na kailangan kong magpa-X-ray at saka MRI
[magnetic resonance imaging, medical procedure para makita nang mas
detalyado ang loob ng katawan ng tao]. So, yun. Nagpa-checkup na ‘ko.
Pasensiya na sila...marami nga ang nagsasabi, matagal na, buhay pa si
Rudy, alam na namin. Pero, maraming pangyayari na kailangan siguro,
maintindihan din nila."


-------------------------------------------------------------------------------------------------

Paglipat ni Lorna sa Dos di pa sure

KUNG matutuloy si Lorna Tolentino na tanggapin ang offer ng ABS-CBN,
maraming Kapamilya ang matutuwa.

Maganda kasi ang naging working relationship ni Lorna with ABS-CBN
people. If my memory serves me right, Lorna was last seen in the
phenomenal Kay Tagal Kitang Hinintay bilang Red Butterfly.

Maganda ang naiwang impression ni Lorna sa mga taga-Dos.

“She is such a pro,” sabi ng kausap ko. “We’d love to work with her
again kung babalik siya sa ABS-CBN.”

Kahit ang staff ng ibang unit like talk unit, they all have good words
for LT. Lalo na no’ng height ng funeral ni Daboy.

“Hindi niya inisip ang network war. She was very accomodating to us.
She was very accomodating,” sabi naman ng isang taga-The Buzz.

It’s been weeks now and wala pa ring news sa balitang paglipat ni LT
sa ABS-CBN. Ang usap-usapan, isang drama show ang in-offer ng
Kapamilya kay Lorna.

Matuloy man ito o hindi, tiyak na ikatutuwa ng aktres ang balitang
with open arms siyang tatanggapin ng mga taga-ABS-CBN.


-------------------------------------------------------------------------------------------------

Lorna, masigla na ang mga mata

MUKHANG nakaka-recover na si Lorna Tolentino mula sa pagkamatay ng
mister niyang si Rudy Fernandez kamakailan. Isang panatag, maganda at
masayang Lorna kasi ang nakita namin last Sunday sa isang simbahan sa
Greenhills, San Juan.

Kasama ni Lorna ang dalawa niyang guwapong anak na sina Raphe at Renz.
Pare-parehong itim ang kanilang mga suot na damit.

Sa bandang harap namin sa loob ng simba­han umupo sina Lorna at ang
dalawa niyang anak. Kumbaga, tatlong upuan lang ang nakapagitan sa
kinalulugaran namin.

Sa tingin ko, lalong nagiging malapit ang tatlo ngayong wala na si
Daboy sa piling nila. Panay ang bulungan nila, at paminsan-minsan ay
nagngingitian din.

Sa simula ay hindi mapakali si Lorna sa kanyang puwesto, dahil
nakatutok kasi sa kanya ang isang electric fan. Bagamat air-con ang
simbahan, may nakalagay pang electric fan sa bawat poste nito.

Hindi yata nakayanan ni Lorna ang nakatutok na electric fan sa kanya,
kaya ipinapatay niya ito sa anak niyang si Raphe.

Pero ilang minuto lang, lumipat din siya ng upuan sa bandang kaliwa ng
simbahan, na medyo malapit na sa poste.

At ilang segundo pa lang ang nakalilipas, big­la na naman silang
tumayo na mag-iina at lumipat ng ibang upuan, na malapit sa harap ng
altar ng simbahan.

Nandoon pala si Sen. Jinggoy Estrada kasama ang kanyang pamilya, kaya
tumabi na sina Lorna sa kanila.

Sa totoo lang, kahit alam mong nagluluksa pa rin si Lorna sa
pagkamatay ng kanyang mister, hindi maitatanggi na lutang na lutang pa
rin ang kagandahan at kapayapaan sa kanyang mukha.

Sa totoo lang, gandang-ganda ako sa mukha ni Lorna. Na kahit wala
siyang make-up nung sandaling yon, sobrang ganda pa rin ni Lorna.

Kaya ang mga tao sa paligid, hindi talaga maiwasang titigan ang
magandang mukha ni Lorna.

Sa nakita ko, may sigla na ang mga mata ni Lorna. At nakikita namin
yon tuwing napapangiti si Lorna.

Naalala nga namin ang kuwento ni Lorna sa mga huling araw ng lamay ni
Daboy. Sabi nga niya, binigyan daw siya ng blessing ni Daboy na
mag-asawang muli, kung gugustuhin niya.

Pero yun nga lang, huwag daw kasing-edad ng mga anak nila.

Sa totoo lang, hindi na ako magtataka kung putaktihin man ng mga
manliligaw si Lorna sa hinaharap, dahil sa kanyang kagandahan.

Yun nga lang, baka si Lorna mismo ay mahirapang mag-entertain ng mga
lalake, dahil hindi talaga maiiwasang ikumpara niya kay Daboy ang mga
yon.

Sa mahabang pinagsamahan nila ni Daboy, wala na nga sigurong papalit
pa rito sa puso ni Lorna.


-------------------------------------------------------------------------------------------------

LORNA, TODO IYAK SA EROPLANO

Abu Tilamzik


NANG umalis sina Lorna Tolentino at Sen. Jinggoy Estrada pa-Dubai,
umiyak nang umiyak si LT nang nasa eroplano na siya.
Lulan sila ng Etihad Airlines at nasa business class na sobrang
ganda ang service.

Magkakahiwalay ang mga upuan na merong nakaharang kaya hindi alam
ng katabi mo kung ano ang ginagawa mo.
Sa buong biyahe ay si Rudy Fernandez ang nasa isip ni LT. Kung
kasabay niya si Daboy sa biyahe, matutuwa ito sa ganu’n kagandang service.
First na biyahe iyon ni Lorna sa abroad na hindi na kasama si Kuya
Rudy.

Ang namayapang bestfriend din ang nasa isip ni Sen. Jinggoy
pagdating nila ng Dubai dahil sa VIP at first class na treatment sa
kanila.
Iyun ang gustung-gusto ni Kuya Rudy kaya lalo nila itong na-miss
sa biyaheng iyun.

Basta nasa Pilipinas, araw-araw ay nasa The Heritage Park si LT
para dalawin si Kuya Rudy at asikasuhin ang ipinapagawang mausoleo.
Maganda ang plano at design ng mauseleo. Tiniyak ni LT na
matatapos ito bago mag-Undas.

Sa Hulyo 18 ay magsisimula na ang pagpapalabas ng mga pelikula ni
Kuya Rudy sa ABS-CBN.

Si Lorna siyempre ang naatasang mag-promote nito.
Hindi pa raw handang magtrabaho si LT kaya parang
nagdadalawang- isip pa siya kung kaya na ba niyang humarap sa presscon
at kung makakapag-promote siya sa ilang programa ng Dos.
posted by Chuchi at 7:55 PM | 4 comments

By: Kaye Villagomez

There is simply an admirable grace with the way Lorna Tolentino
handled her recent loss.

The beautiful actress was 'flawless' even while she was suffering.

Many wept and the nation joined her in her mourning the death of her
husband Rudy Fernandez. Although still reeling in pain, Lorna showed
up at the recent Golden Screen Awards by the Entertainment Press held
in Greenhills, San Juan.

At the event, everybody saw a hurting but very composed woman.

Lorna emotionally accepted a posthumous award for Daboy that night
following a song number from Rudy’s closest buddies Senators Bong
Revilla, Jinggoy Estrada and Philip Salvador.

During her acceptance speech, she recalled how important that date
(June 24) was to her and Rudy. "Ngayon nga po ang church wedding
anniversary namin. Mananatili siyang buhay sa alaaala ng lahat ng mga
tao na nagmamahal sa kanya. Kaya muli akong nagpapasalamat sa inyong
lahat, sa inyong suporta at pagmamahal," she managed to pull through.

Lorna revealed why she has and should always keep her composure.

"Ayaw ni Papa na umiyak ako, ayaw niya ng madrama, kaya nagpigil ako
sa pag-iyak kanina. Hindi ko na natandaan kung anu-ano ang sinabi ko,
pero alam ko siya ang gumabay sa akin kung ano ang sasabihin ko."

Before the Golden Screen Awards, she went to Boracay with her sons
Ralphe at Renz, friends Precy Ejercito and her daughter Jel, Tirso
Cruz III and Lynn with their daughter Djanin, Isabel Rivas, Amy
Austria, and other friends.

She has no plans yet of going back to the movies or television. "Wala
pa, hindi pa muna ako magtatrabaho. Kailangan ko munang tapusin lahat
ng mga ibinilin sa akin ni Papa. Marami pa akong aayusin.
Pinaghahandaan ko na rin muna ang forty days niya next month."
posted by Chuchi at 7:52 PM | 0 comments
Nora Calderon

Thursday, June 26, 2008
03:14 PM

First public appearance ng aktres na si Lorna Tolentino, after the
death of her husband Rudy Fernandez, ang pag-attend niya ng 5th Golden
Screen Awards ng Entertainment Press Society (Enpress) last Tuesday,
June 24, sa Zirkoh Greenhills.

A week before the awards night, nagpunta si Lorna sa Boracay to unwind
pagkatapos ng libing ni Daboy. Kasama ng aktres na nagpunta roon ang
dalawa niyang anak na sina Ralphe at Renz, pati ang mga kaibigang sina
Precy Ejercito and her daughter Jel, ang mag-asawang Tirso Cruz III at
Lynn and their daughter Djanin, Isabel Rivas, Amy Austria, at ilang
non-showbiz friends. Sumunod din si Jinggoy Estrada, pero bumalik din
ito kinabukasan sa Manila.

Inabutan daw sila ng bagyong Frank sa Boracay, kaya yung balak sana ni
Lorna na magbilad sa araw ay hindi natupad. Nag-swimming na lang sila
sa pool ng hotel na tinuluyan nila habang bumabagyo. Si Precy na dapat
ay mauunang umuwi ng Saturday ay stranded kaya sabay-sabay na silang
bumalik ng Manila noong Monday afternoon, June 23.

Iyon pala ay nag-decide si Lorna na um-attend ng awards night ng
Golden Screen Awards last Tuesday dahil may tribute at binigyan ng
posthumous award ang kanyang namayapang mister. Bukod dito, nanalo rin
si Lorna sa kategoryang Best Performance of an Actress in a
Musical/Comedy para sa pelikula nila ni Jinggoy, ang Katas ng
Saudiâ€"her first acting award in a comedy movie.

Hindi raw niya puwedeng biguin ang mga kaibigan na patuloy na
sumusuporta sa kanila sa kabila ng mga nangyari. Hindi rin niya
puwedeng biguin sina Jinggoy, Bong Revilla, at Phillip Salvador na
pumayag na mag-perform noong gabing iyon para kay Rudy.

Si Bong ay pupunta dapat sa U.S. for a vacation, pero hindi muna
tumuloy. Ang mag-asawang Tirso at Lynn, dapat ay umalis din nung araw
na ‘yon for a series of shows sa Canada with German Moreno. Hindi muna
sila tumuloy dahil nakasagot na si Pip na ire-rehearse niya sina Bong,
Jinggoy, at Phillip sa kantang na "Paalam, Daboy" na siya ang nagpalit
ng ilang lyrics sa song na "Doon Lang" ni Nonoy Zuñiga.

Bukod dito, nakasagot na rin pala si Pip na siya naman ang kakanta
para kay Christopher de Leon sa tribute naman dito as the recipient of
the Lino Brocka Lifetime Achievement Award. Kaya during the awards
night ay sinamahan pa rin si Lorna nina Precy at Lynn.

Maraming nagsabing very composed pa rin ni Lorna kahit halatang
malungkot ang aktres. Nakakatawa na rin siya sa pagbibiruan nina
Jinggoy, Bong, at Ipe bago sila kumanta dahil pinalayo pa ni Jinggoy
si Ipe para may space dahil doon daw nakatayo si Rudy.

Medyo bumigay si Lorna nang tanggapin niya ang posthumous award mula
sa tatlong pinakamatalik na kaibigan ni Rudy dahil kahit sila ay medyo
napaiyak na rin.

Sa thank-you speech ni Lorna, sinabing: "Mahalaga ang award na ito
dahil alam ko, hindi naman talaga nawala si Rudy. Narito lang siya,
kasama natin siya at alam ko, natutuwa siya sa tinanggap kong award.

"Ngayon nga po [June 24)] ang church wedding anniversary namin.
Mananatili siyang buhay sa alaaala ng lahat ng mga tao na nagmamahal
sa kanya. Kaya muli akong nagpapasalamat sa inyong lahat, sa inyong
suporta at pagmamahal."

Pagkatapos ng awards night ay nakausap ng PEP at iba pang
entertainment press si Lorna. Medyo napangiti ang aktres nang maalaala
ang thank-you speech niya.

"Ayaw ni Papa [Rudy] na umiyak ako, ayaw niya ng madrama, kaya
nagpigil ako sa pag-iyak kanina," sabi ni Lorna. "Hindi ko na
natandaan kung anu-ano ang sinabi ko, pero alam ko siya ang gumabay sa
akin kung ano ang sasabihin ko."

Tinanong na rin si Lorna kung kailan siya babalik as one of the
co-hosts of StarTalk ng GMA-7.

"Wala pa, hindi pa muna ako magtatrabaho, " sagot niya. "Kailangan ko
munang tapusin lahat ng mga ibinilin sa akin ni Papa. Marami pa akong
aayusin. Pinaghahandaan ko na rin muna ang forty days niya next month."

Totoo bang lilipat na siya sa ABS-CBN?

"Wala pa rin. Totoong may offer sila sa akin, pero ayaw ko munang
pag-usapan yon. Lahat ng tungkol sa pagbabalik ko sa trabaho,
pag-uusapan namin yan pagkatapos ng forty days ni Papa," nakangiting
sagot ni Lorna.

__._,_.___
posted by Chuchi at 7:39 PM | 0 comments

Lorna, Jinggoy, Cherry Pie, and John Lloyd win top acting honors in 5th Golden Screen Awards

Rose Garcia

Wednesday, June 25, 2008
01:24 PM


Isang matagumpay na gabi para sa bumubuo ng Entertainment Press
Society (Enpress) ang 5th Golden Screen Awards for Movies na ginanap
kagabi, June 24, sa Zirkoh Greenhills.

Halos lahat ng winners sa bawat kategorya ay dumating at karamihan din
ay nag-stay pa hanggang sa matapos ang mismong event. Kaya naman sa
bihirang pagkakataon ay napagsama-sama at nakunan ang mga winner nang
sabay-sabay silang umakyat sa stage ng Zirkoh for the photo op.

Mababakas din sa mga nanalo ang kasiyahan na sila ang nabigyan ng
pinakamataas na parangal ng Enpress.

Ilan sa mga unang dumating ay ang mga host ng gabing yun na sina John
"Sweet" Lapus, JC de Vera, Rufa Mae Quinto, at Rhian Ramos. Gayundin
sina Erik Santos, na siyang kumanta sa opening number; ang magkapatid
na Glaiza de Castro (na nominee for Best Performance by an Actress in
a Leading Role-Drama para sa Still Life) at si Alchris Galura (last
year's winner for Best Performance by An Actor in a Leading
Role-Drama); ang StarStruck 4 Avengers na sina Stef Prescot at Paulo
Avelino, at si Will Sandejas from the movie Sikil.

In full force naman dumating ang cast at production people behind the
independent film Pisay, na siyang nag-dominate in this year's Golden
Screen Awards. Aside for Best Picture at Best Original Screenplay, ang
Pisay director na si Aureaus Solito rin ang nanalong Best Director.
Nanalo rin ang Pisay sa iba pang categories, tulad ng Best Original
Song, Best Musical Score, at Best Editing.

Late na nang dumating si Aureaus dahil kinailangan pa raw niyang
mag-undergo ng minor surgery for his feet, pero nakahabol pa ito nang
ang Best Picture for Drama na ang pinarangalan. Siya na ang tumanggap
ng award.

Comic relief si Eugene Domingo, na nanalong Best Actress in a
Supporting Role for Pisay. Nang tawagin kasi ni Sweet ang pangalan
niya ay nagkunwaring na-surprise pa sa award kahit pre-announced na
ang winners.

Sa speech ni Eugene ay nasabi niyang noong nag-aaral daw siya ng high
school, isa sa mga back subject niya ang Science. Pero ironically, ang
role niya as a Science teacher sa Pisay ang nakapagbigay sa kanya ng
kanyang unang tropeyo sa Enpress. Bukod sa direktor ng movie,
pinasalamatan din ni Eugene ang kaibigang si Cherry Pie Picache at si
Direk Andoy Ranay.

Hindi naman nakarating at nagpaabot na lang ng pasasalamat at
paumanhin ang nanalong Best Actor in a Supporting Role na si Ricky
Davao for Endo. Kasalukuyan pa raw kasi siyang nagte-taping ng
Dyesebel noong gabing yun.

Very pretty naman si Rhian Ramos kagabi at masayang-masaya ito sa
natanggap na karangalan bilang Breakthrough Performance by An Actress
for Ouija. Gayundin si Joem Bascon na nanalo sa kategoryang
Breakthrough Performance by An Actor for Batanes.

All the top performance awards were present that night, sa pangunguna
nina John Lloyd Cruz, Best Performance by an Actor in a Lead
Role-Drama for One More Chance; Cherry Pie Picache, Best Performance
by an Actress in a Lead Role-Drama for Foster Child; Jinggoy Estrada,
Best Performance by an Actor in a Lead Role-Musical or Comedy for
Katas ng Saudi; at si Lorna Tolentino, Best Performance by an Actress
in a Lead Role-Musical or Comedy for Katas ng Saudi.

Ito ang first public appearance ni Lorna after her husband, Rudy
Fernandez, passed away. Halos magkakasabay na dumating sina LT,
Jinggoy and wife Precy Ejercito, Phillip Salvador, at Bong Revilla sa
venue.

Ayon kay LT, marami raw silang isina-suggest ng namayapang asawa na si
Daboy kay Jinggoy sa kung sino ang puwede nitong maging leading lady
for Katas ng Saudi. Pero siya rin daw pala ang kukunin. Ikinuwento rin
ni LT na gustung-gusto ni Rudy ang movie na ginawa nila ni Jinggoy
dahil nang panoorin daw nila ito, talagang tawa raw nang tawa at
na-touch din si Daboy sa ilang eksena.

Malaking bagay rin for LT ang natanggap na karangalan dahil ngayon
lang daw siya nakatanggap ng award for a comedy film.

Sa speech ni Jinggoy, natatawang biro nito na ang Katas ng Saudi ang
isa sa pinakamatinong movie na ginawa niya. Inihandog niya rin ang
pagkapanalo niya sa best friend niyang si Daboy at sa lahat ng OFW.

Mismong araw naman ng kaarawan ni John Lloyd kahapon, pero kahit na
kasalukuyang nagdi-dinner kasama ang kanyang buong pamilya at
malalapit na kaibigan, dumating at nag-stay pa rin si John Lloyd sa
Zirkoh. Tila nagsilbi pa nga itong reunion sa mga nakasama niya sa
Maging Sino Ka Man na sina Christopher de Leon at Phillip Salvador.

John Lloyd shared his trophy with his co-nominees at nagsabing para sa
kanilang lahat yun. Ayon kay John Lloyd, napakagandang birthday gift
for him ang naturang award. Very much honored din ang young actor
dahil ang nag-abot ng award sa kanya ay ang last year's winner for
Best Actress na si Ms. Gina Pareño.

Bago naman ang pagbibigay ng Gawad Lino Brocka Lifetime Achievement
Award kay Christoper de Leon, naghandog ng isang song number ang
kaibigang si Tirso Cruz III bilang parangal kay Boyet sa pamamagitan
ng kantang "Bridge Over Troubled Water."

Si Ms. Caridad Sanchez, isa sa mga naging artista ni Direk Lino Brocka
noon, ang nag-present ng natatanging parangal para sa mutli-awarded
actor. Sa kanyang speech, muling pinasalamatan ni Boyet ang naging
mentor at director niya at nagpaalala sa lahat ng kakaibang passion at
adhikain ni Direk Lino sa industriya at sa bansa na masasalamin sa
bawat obra nito.

Ang biyuda ni Daboy na si LT ang tumanggap ng posthumous award sa
namayapang aktor, na iprinisent ng tatlo nitong matatalik na kaibigan
na sina Jinggoy, Bong, at Phillip. Pero bago ang pagbibigay ng award,
nakakatuwang tinupad ng tatlong magkakaibigan ang kanilang pangako na
darating at kakanta sila nang live sa awards night para sa alaala ni
Daboy.

Tahimik sa buong Zirkoh habang kumakanta ang tatlo at umani sila ng
masigabong palakpakan after rendering the song "Paalam Daboy." Silang
tatlo rin ang tumawag kay LT, na ayon sa kanilang introduction ay
"ulirang kaibigan, ulirang ina, at ulirang asawa."

Ilang linggo pa lamang ang nakalipas mula nang bawian ng buhay si
Daboy, pero nagawa ni LT na maging less emotional at na-control niya
kung anumang kalungkutan ang nasa kanyang puso dahil sa pagkawala ng
asawa.

Bukod sa mga artistang nabanggit, dumating din para mag-present ng
award at mag-perform sina Yasmien Kurdi, Bobby Andrews, Maggie Wilson,
K Brosas, Lance Raymundo, at marami pang-iba.

Bawat winner ay natuwa na bukod sa kanilang tropeyo, may bitbit pa
silang sangkaterbang loot bags from the following sponsors of the
Golden Screen Awards: San Miguel Beer, Hataw, Ysa Botanica, Filgen
makers of ST scouring pad, Crystal Clear, Gran Matador, KSA Magic,
Stellar, Jaa's bags, Errizaro, Bristol shoes, Fernando's bakery,
Africa's Catering, Charms & Crystal, Edward dela Cuesta's Photography,
at HBC Splash.

Narito ang kumpletong list ng mga nanalo sa 5th Golden Screen Awards
ng Enpress:

Best Motion Picture (Drama) - Pisay (Solito Arts)

Best Motion Picture (Musical or Comedy) - Katas ng Saudi (Maverick Films)

Best Performance by an Actress in a Lead Role (Drama) - Cherry Pie
Picache (Foster Child)

Best Performance by an Actor in a Lead Role (Drama) - John Lloyd Cruz
(One More Chance)

Best Performance by an Actress in a Lead Role (Musical or Comedy) -
Lorna Tolentino (Katas ng Saudi)

Best Performance by an Actor in a Lead Role (Musical or Comedy) -
Jinggoy Estrada (Katas ng Saudi)

Best Performance by an Actress in a Supporting Role (Drama, Musical or
Comedy) - Eugene Domingo (Pisay)

Best Performance by an Actor in a Supporting Role (Drama, Musical or
Comedy) - Ricky Davao (Endo)

Breakthrough Performance by an Actress - Rhian Ramos (Ouija)

Breakthrough Performance by an Actor - Joem Bascon (Batanes)

Best Director - Auraeus Solito (Pisay)

Best Original Screenplay - Henry Graheda (Pisay)

Best Cinematography - Larry Manda (Maling Akala)

Best Editing - Mikael Angelo Pastrano, Kanakan Balintagos (Pisay)

Best Production Design - Martin Masadao, Regie Regalado, Dante Garcia,
Endi Balbueno (Pisay)

Best Sound - Ditoy Aguila (Kadin)

Best Musical Score - Vincent de Jesus, Jobin Ballesteros (Pisay)

Best Original Song - "Ang Puso Kong Musmos" from the movie Pisay,
lyrics by Carina Evangelista, music by Buddy Zabala and Ernest
Mangulabnan, interpreted by Ebe Dancel
Best Visual Effects - Still Life
posted by Chuchi at 7:29 PM | 1 comments
*News*

Lorna Tolentino faces a new chapter of her life now that Daboy is gone

Julie Bonifacio

Friday, June 13, 2008
01:32 PM

Inihatid na ang mga labi ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez
kahapon, June 12, sa Heritage Park. Ngayong araw, June 13, naman bale
ang simula ng pagharap sa panibagong buhay ng maybahay ni Daboy na si
Lorna Tolentino.

Pero bago maganap ang libing ni Daboy ay mulng nagpaunlak ng panayam
si Lorna sa ABS-CBN via the morning show Boy & Kris nina Boy Abunda
at Kris Aquino. Pumunta si Kris mismo sa Heritage Park upang i-cover
ang mga huling oras bago ang libing ni Rudy.

"Eto na yung reality, yung katotohan," lahad ni Lorna kay
Kris. "Hindi ko na makikita, hindi ko na makakatabi. Yung memory,
yung mga iniwan niya sa akin, unti-unti nagpa-flashback sa isip ko,
sa mga bagay na nakikita ko. Yung mga itinuturo niya sa akin, yung
mga naituro niya sa akin. `Tapos kapag medyo parang doubtful ka sa
sarili mo, ano ang dapat mong gawin, sobrang dami."

Tinanong ni Kris si Lorna kung kailan niya na-reach ang point at
sinabi niya sa sarili na, "Come what may I'll stick it out with him."

"Siguro kasi, may mga nangyari before na naghiwalay din kami, like a
month, mga ganun lang. Hindi talaga umaabot ng matagal. And then,
kumbaga, parang God's way again nagkaka....kami pa rin ulit.

"Inisiip ko pa rin, doon sa tanong mo, palagay ko mula nung nagsimula
yun na yung commitment ko. Parang yun na yung promise ko na it's
gonna be him. Parang inisip ko na kung maghiwalay ako, makakuha man
ako ng iba, parang ganun din ang dadaanan ko, e. Bakit pa? So might
as well dito talaga sa tao na ang pakiramdam ko ay para sa akin
talaga and that we're meant to be," paliwanag ni Lorna.

DABOY WAS WELL-LOVED. Damang-dama sa burol hanggang libing ni Daboy
na mahal mahal siya ng kanyang mga kaibigan, especially si Senator
Jinggoy Estrada na very emotional. Grateful naman si Lorna sa mga
kaibigan ni Daboy na hindi sila pinabayaan.

"I think it's...again, the credit is kay Rudy," sabi ni Lorna. "Sa
kanya talaga. Siguro napakaganda talaga ng mga itinanim niya para
magkaroon ng napakaganda at napakabuting mga kaibigan. Para sa akin
nga, kulang ang pasasalamat sa pagdamay na ginagawa nila para sa
pamilya namin."

Sa hirap ng buhay ngayon, kahit malayo ang Heritage Park ay dinayo pa
talaga ito ng mga fans ni Daboy para lang makita siya sa huling
sandali. Ano ang reaksiyon dito ni Lorna?

"Yun ang nagpagaan ng loob sa akin," pag-amin ng biyuda ni
Daboy. "Kumbaga, yun ang hiling ni Rudy, e, na makita siya. And doon
siguro napatunayan din niya na marami talaga ang nagmamahal sa kanya.
Na marami siyang tagahanga na gustung-gusto na makita rin siya, na
makasama siya sa huling sandali niya. I feel, kung nandun siya sa
langit, ngumingiti siya with that giggle na alam mo yun, na parang
pati ikaw, e, matutuwa at matatawa kapag naggi-giggle siya."

LORNA'S ADVICE. Humingi ng mensahe si Kris kay Lorna para sa mga
tulad niya na may miyembro ng pamilya na may sakit din na cancer,
tulad ng kanyang ina at ex-President Cory Aquino. Inalam ni Kris kung
paano titimplahin na hindi sosobra ang kalinga at pagmamahal na
ibinigay ni Lorna kay Daboy sa mga taong dumaranas din ng ganitong
situwasyon.

"Siguro it's being selfless," sagot ni Lorna. "It's giving yourself
100 percent. It's knowing, first of all, the sickness. Siguro ang
hirap nga nung sa amin because in Rudy's case, it's [periampullary
cancer] so rare. Parang humahanap ka talaga ng mga bagong paraan para
lalo... You just really have to accept yung you can't find the cure
anymore.

"Ang cure ay nasa Diyos. Nasa Kanya yung milagro, nasa Kanya yung
pagbibigay ng posible. But if you want to prolong and siguro enjoy
the quality ng buhay na puwedeng ibigay mo sa maysakit at sa pamilya
rin, yun yung siguro pinakadapat mong isipin. And at the same time,
serving the person. Kasi `pag may sakit tayo, lahat ng klaseng
paglalambing, lahat ng klase ng pagmamahal, gusto nating maramdaman."

THE LIFE AFTER. Ibinahagi naman ni Lorna ang mga plano niya
pagkatapos ng libing ni Rudy kay Kris.

"I just wanna pause for a while with my children," sabi niya. "Yun na
muna siguro. Parang actually, you're asking me kanina if I'll go home
after this [burial]? And naisip ko last night, kailan ko pa haharapin
yun, di ba? Might as well, sige na, face to face na.

"Kung doon man ako, kahit magsisigaw man ako doon, umiyak ako doon
nang halos mamatay ako, after naman nun, siguradong matatapos din, di
ba? Meron namang pagtigil lahat ng bagay. Parang I feel na parang
pause na muna for myself. Yun bang, dito lang. Be quiet for a while
and fix so many things. Marami pa ring ibinilin sa akin si Rudy."

Tinanong ulit ni Kris si Lorna, "During your darkest moment, sinasabi
nila na that's the time we should think of what we are most grateful
for. Dahil doon maaalala mo na mahal ka ng Diyos. Sino at ano ang
dapat mong ipagpasalamat ngayon?"

"Unang-unang si Rudy," sambit ng aktres. "Kumbaga, maraming salamat
na nahiram ko siya. Pinahiram lang siya sa akin. Ang may-ari talaga
sa kanya ang Panginoon. Pinahiram siya sa akin, so nagpapasalamt ako
doon.

"Ang mga anak ko. Ang pamilya ko. Ang mga kaibigan na hindi tumigil,
hindi huminto, sumabay sa paglalakbay namin. Even it was a tough,
really tough journey, nandudun sila.

"Yung mga tagahanga na minsan-minsan na lang natin nararamdaman yung
pagtangkilik nila sa atin dahil bihira na nga ang paggawa ng
pelikula. Doon natin nage-gauge na talagang mahal ka ng publiko dahil
pinapanood ka nila. Dito siguro, yung trying times na ganito,
nandiyan lalo sila. Yung messages na hindi mo matatawaran habang
dinadaanan mo yung pagsubok na nandidiyan, nagdarasal silang lahat.

"Kaya nga sabi ni Rudy nUng last ano niya, sinabi niya,
nagpapasalamat siya sa sambayanang Pilipino na talagang pinagdarasal
siya, lahat ng relihiyon. I feel talaga na alam mo yun? Gusto niya
walang nag-aaway, lahat magkakabati. Hanggang sa huli parang ganun
ang gusto niyang mangyari."

Malaking kredito talaga ang dapat ibigay sa pamilya ni Rudy dahil
pumayag sila na i-share sa lahat at naintindihan nila na gusto ng
samabayang Pilipino na maging bahagi sa malungkot na sandaling ito at
i-express sa kanila na mahal na mahal sila ng aktor.

"At hindi rin naman namin itinago at ipinagkait sa kanila nung
dumating ang panahon na nalaman namin. As much as we can ini-inform
din, pero meron din sa bandang huli na parang kailangan naman para sa
pamilya," saad ni Lorna.

RUDY'S SONS. Kabilang sa maiiwan na legacy dito sa mundo ni Rudy ay
ang kanyang tatlong anak na lalaki na sina Mark Anthony, Ralph, at
Renz. Si Mark ay anak ni Rudy sa kanyang dating ka-live in na si Alma
Moreno.

Sa necrological service nung Miyerkules, June 11, sinabi ni Mark na
biggest failure siya ng kanyang ama ayon sa iba. Pero sa daddy raw
niya, he is so proud of him.

"Totoo yung sinabi niya na kumbaga, siguro dumating yung panahon na
iniisip ni Rudy na parang as a father, nag-fail siya because marami
ring pagsubok na dinaanan si Mark. Pero nalampasan naman ni Mark yun
at nagawang malampasan ni Mark yun dahil na rin siguro sa tulong ni
Rudy na mapabuti siya at mapadiretso siya. Rudy gave a tough job kay
Mark, di ba?

"At nagpapasalamat ako kay Mark na alam niya at inintindi niya na
yung ganoong klase ng pagmamahal ay tama para sa panahon na yun. And
sa ngayon, di ba, nagtatrabaho siya, mahusay siya, nahuhugutan niya
ng tamang emosyon ang lahat ng papel niya? It's because yun na nga
yung achievement na yun. Siyempre `pag bumagsak ka at umangat ka,
isang malaking achievement yun. Kaya talagang achievement na siya ng
father niya ngayon

"Kay Ralph, yun ang pinapangarap niya [maging direktor tulad ng
kanyang lolo]. Kaya unti-unti naman, kahit tapos na siya, unti-unti
marami pa rin siyanga inaalam tungkol sa likod ng industrya.

"Kay Renz, sa tingin ko papunta rin siya sa pag-aartista. Siguro
lahat ng mannerisms ni Rudy, makikita sa kanya. Pati sa pananalita,"
nangingiting pahayag ni Lorna.

Payag naman daw si Lorna na mag-artista si Renz.

"Okey sa akin basta matapos lang nila ang pag-aaral. Yun naman ang
pangarap namin ni Rudy, e."

Sa huli, sinabi ni Kris na may mga tao na alam daw nila kung gaano
kahirap ang pinagdadaanan ni Lorna. Pero minsan ba nasabi ni Lorna
na, "Hindi totoo `yan"?

"Actually, minsan nga iisipin mo, sasabihin mo parang, `Can I take it
back?' Kumbaga, `Lord sinabi kong, `Okey na. Puwede kong bawiin
ulit?' Pero hindi na, e, wala na. Alam mo yun? Ang dami, mixed
emotions talaga," pagtatapos ni Lorna.


-------------------------------------------------------------------------------------------------


Lorna, pwedeng mag-asawa ulit

Isa raw sa bilin ni Rudy Fernandez sa wife niyang si Lorna Tolentino
ay pwede naman siyang mag-asawang muli, at may sinabi rin si Rudy na
isang taong dapat niyang iwasan.

Natawa si LT sa bilin na iyon ng asawa dahil kung may magiging
interesado raw na mag-asawa siyang muli, mukhang mahihirapan ang guy
dahil ang dami niyang pagdadaanan bago makuha ang approval ng mga
nagmamahal sa kanya.

Unang-una na ang kanyang mga anak, sina Ralphe at Renz, mga kaibigan,
like si Sen. Jinggoy Estrada, na kasama sa eulogy niya noong last
night ng burol ni Rudy, na babantayan daw nilang magkakaibigan si LT
at hindi siya pwedeng magpaligaw at iyon din daw ang sinabi ni former
President Joseph Estrada na huwag na siyang mag-asawa.

Sa ngayon, hindi pa rin sigurado si LT kung ano ang gusto niyang
gawin, like iyong mga nasulat na gusto niyang ipagiba ang bahay nila o
ipa-renovate at mag-rent muna ng ibang bahay. Basta ang uunahin daw
niya ay ang bilin ni Rudy na gusto nitong pagsama-samahin na ang mga
buto ng parents niya at dalawa pang kapatid na lalaki at iyon ang
ilalagay sa nitso na katabi ng nitso niya sa The Heritage Park in
Taguig City.

May imbitasyon sa kanilang mag-iina at magkakaibigan na bakasyon sa
Boracay, at baka raw iyon muna ang gawin nila, pagkatapos ng mga
pangyayaring naganap.



-------------------------------------------------------------------------------------------------

LT, isang linggo sa Bora

By: Nitz Miralles

NGAYONG Martes ang alis nina Lorna Tolentino at mga anak na sina
Raphe at Renz para sa one-week stay sa Boracay. Sa Monday, June 23, na
ang kanilang balik.

Sasamahan sila nina Amy Austria and husband Duke Ventura, Tirso Cruz
III and wife Lyn with kids Bodie and Dyanin.

Join din sina Precy Ejercito and her baby, Isabel Rivas at iba pang
kaibigan ng actress.

Magpa-pamilya rin ang nakasama nina LT sa nine-day novena ni Rudy
Fernandez at Father's Day celebration na ginawa sa puntod ng actor sa
Heritage Park.

Dumating sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada with their
respective families, Pip and family, Ricky Davao and his two children
at iba pa.

Samantala, makaya na kaya ni LT na dumalo sa awards night ng 5th
Golden Screen Awards ng Entertainment Press sa June 24, at gagawin sa
Zirkoh Greenhills?

Siya ang nanalo sa Best Performance by an Actress in a Leading
Role-Musical or Comedy para sa Katas ng Saudi.

Si Sen. Jinggoy ang Best Performance by an Actor in a Leading
Role-Musical or Comedy for the same movie.

Bibigyan din ng EnPress ng posthumous award si Rudy.
* * *
SA 19 categories at trophies na ipamimigay sa 5th Golden Screen
Awards, walo ang nakuha ng Pisay, isang indie film produced by Solito
Arts.

Kabilang dito ang Best Picture-Drama, Best Director for Auraeus
Solito, Best Performance by an Actress in a Supporting Role-Drama,
Musical or Comedy for Eugene Domingo.

Other winners: Best Picture-Musical or Comedy, Katas ng Saudi
(Maverick Films); Cherry Pie Picache, Best Performance by an Actress
in a Leading Role-Drama for Foster Child of Seiko Films; John Lloyd
Cruz, Best Performance by an Actor in a Leading Role-Drama for One
More Chance of Star Cinema/ABS-CBN Film Foundation;

Ricky Davao, Best Performance by an Actor in a Supporting Role-Drama,
Musical or Comedy for Endo; Rhian Ramos, Breakthrough Performance by
an Actress for Ouija of GMA Films; Joem Bascon, Breakthrough
Performance by an Actor for Batanes of GMA Films & Ignite Media;
Christopher de Leon, awardee for the Gawad Lino Brocka Lifetime
Achievement Award.

-------------------------------------------------------------------------------------------------
posted by Chuchi at 7:13 PM | 2 comments