Glen P. Sibonga
Friday, April 23, 2010
02:39 PM
Isa si Lorna Tolentino sa mga celebrity friends ni Senator Jinggoy Estrada na dumalo sa presscon na inihanda ni Mother Lily Monteverde kagabi, April 22, sa Imperial Palace Suites, Quezon City, para sa muling pagtakbo ni Sen. Estrada sa Senado sa May 10 elections.
Kabilang din sa mga kaibigang dumalo ang anak ni Lorna na si Raphe Fernandez, Sharon Cuneta, ang pamilya nina Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti, Direk Laurice Guillen at anak na si Ina Feleo, German "Kuya Germs" Moreno, Armida Siguion-Reyna, at Roderick Paulate.
Napalapit si Lorna kay Sen. Estrada dahil na rin sa pagiging mag-best friend ng yumao niyang asawang si Rudy Fernandez at ng senador. Kaya never bumitaw sa pagsuporta si LT sa kaibigan at kumpare, lalo na ngayong campaign period.
"Ang tagal na naming magkaibigan ni Jinggoy. Siyempre naman parang kapatid na si Jinggoy ni Rudy, aside from siya yung pinaka-nakasama namin sa paghihirap noong nagkasakit si Rudy. Talagang siya yung nakatutok din.
"Malaking bagay yung presence niya na nandoon siya araw-araw para tanungin kung ano ang development kay Rudy, dalawang taon din yun. Sa dalawang taon na yun, nakita ko na talagang nandodoon siya. Yung ups and downs ng trial and journey ni Rudy sa cancer, nandoon si Jinggoy. Kaya ngayong kailangan niya ng tulong at suporta, hindi ko kailanman ipagkakait yun sa kanya. Nandito rin ako para sa kanya," pahayag ni Lorna nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
SUPPORTING ERAP, TOO. Bukod kay Jinggoy, suportado rin ni Lorna si dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada. Ayon nga kay Sen. Estrada sa presscon, mas kailangan daw ni Erap ng suporta. Paano ipinapakita ni Lorna ang suporta niya kay Erap?
"Mas nakakasama ako sa campaign niya [Jinggoy] with Presidente Erap. Kasi yung solo campaign niya, minsan lang yata ako nakasama. Pero more on pag nandoon si Presidente Erap, mas nakakasama kami."
Natutuwa naman si Lorna na nagkataong wala siyang ginagawang project ngayon kaya nakakasama raw siya sa kampanya. Halos every week ba ay sumasama siya sa campaign sorties?
"Oo, halos every day na nga, e. Siyempre, may iba rin naman tayong inaasikaso. Ang last ko nga yung sa Dagupan last Saturday. 'Tapos ito ngang presscon. Then sa [April] 24 sana, kaso mayroon akong Star Awards for Movies, magho-host ako. So, hindi ako makakasama sa kanila."
Kumusta naman ang pagtanggap ng mga tao sa mag-amang Estrada sa mga pinupuntahan nilang lugar?
"Sobrang dami ng tao parati sa rally at sa motorcade. Makikita mo marami talaga. Mahirap talagang magtiwala doon sa survey lang kasi kung makikita mo yung dami ng tao na sumusuporta sa kanila, parang overwhelming. Kung sabagay, hindi ka naman talaga dapat mag-rely roon sa surveys lang," saad ng aktres.
REMEMBERING RUDY. Ngayong magkasama sila ni Sen. Jinggoy Estrada sa mga kampanya, hindi maiwasang maalala ni Lorna ang pagkakampanya ni Rudy noon para sa naging Senador. Lalo raw tuloy nilang nami-miss si Rudy.
"Siyempre naman, kasi madalas sinasabi sa akin ni Jinggoy, pag yung ibang napuntahan niya ay napuntahan na nila ni Rudy. 'Tapos ngayon ako naman ang kasama niya. So, madalas nasasabi niya na, 'Naku, nami-miss ko si Rudy.' Kasi nga sila ang magkasama lagi. Lahat ng pinagkampanyahan nila, laging nandoon si Rudy. Kasi si Rudy walang paltos yun. Tuluy-tuloy ang pag-campaign niya noon."
Kumusta na ang buhay ngayon without Rudy?
"Okey naman. Pero siyempre lagi ko pa rin siyang naaalala."
Inaamoy niya pa rin ba ang mga damit ni Rudy na ginagawa niya dati noong sariwa pa ang pagkamatay ng asawa?
"Basta nandoon pa rin yung mga damit niya. Hindi ko pa inaayos. Ang plano ko kasi after kong maayos yung sa Heritage [sa Heritage Park kunsaan inaayos pa ni LT ang mausoleum ni Rudy]...may mga iba pa kasi akong inaayos doon, e. Pag natapos ko na yun, aayusin ko naman yung isang room sa bahay, doon ko ilalagay yung mga gamit niya. Balak ko kasing gawing parang museum yun, pero hindi siya public. Para sa family and close friends lang. Pero matagal pa yun, baka next year pa."
Kumusta naman ang mga anak niyang sina Raphe at Renz, naka-get over na ba ang mga ito sa pagkawala ng tatay nila?
"Hindi pa rin. Lagi pa rin nilang nami-miss. Nagugulat na nga lang ako minsan sasabihin nila nandoon sila sa Heritage, pumupunta sila."
Dahil nasa puso pa nga niya si Rudy, hindi pa raw siya open sa bagong lovelife.