Saturday, May 30, 2009
Allan Diones

HINDI dumating sina Judy Ann Santos, Richard Gutierrez, Mark Herras at Katrina Halili sa relaunch party ng Flawless kamakalawa nang gabi sa Blue Leaf Pavilion sa McKinley Hill Village, Fort Bonifacio, Ta­guig City.
Ang nandu’n lang ay ang Flawless endorsers na sina Lorna Tolentino, Yasmien Kurdi at Alyssa Alano.
Si Richard ay kalalabas lang ng ospital at nilalagnat daw kaya hindi nakadalo. Si Katrina na inaabangan ng lahat ang pagdating ay hindi rin sumipot, hindi tuloy sila nagkita ni Dra. Vicki Belo (part-owner ng Flawless) na dumating sa event kasama ang legal counsel nitong si Atty. Adel Tamano.
Si LT ang nakausap namin matapos silang pormal na ipakilala at parampahin sa harap ng press.
Worried ba si LT na baka makaapekto sa Flawless ang sex video controversy na kinasasangkuta n ng co-endorser nilang si Katrina?
“Parang ang makakasagot niyan eh ‘yung may-ari ng Flawless! Ha! Ha! Ha! Kasi, endorser lang din ako.
“Pero I feel as an endorser of Flawless, matagal na rin kasi ‘yung Flawless (2001 ito nagsimula). Kanya-kanyang issues na dumarating sa bawat nag-e-endorse.
“Merong issue with everybody na dumaraan, tapos after a while, nawawala rin naman.
“So, okey pa rin ang Flawless. As a business, okey siya,” sey ni LT, ang modelo ng ‘timeless beauty’ ng Flawless.
Bilang personal na kaibigan ni Dra. Vicki, anong feeling niya na maging ito ay nasasangkot ngayon sa sex video scandal dahil sa nobyo nitong si Dr. Hayden Kho Jr.?
“Nu’ng isang araw, magkausap kami ni Dra. Belo. Binabanggit niya sa akin, nagkakuwentuha n kami sandali. And siguro ‘yung presence, ‘yung pag-care ko sa kanya, ‘yun ang parang way ko to let her know na I’m there for her.
“Kasi, nu’ng mga panahon na meron kaming trials sa buhay, nandu’n din si Dra. Belo. Kaya kahit ano pa ‘yung nangyari, kahit ano pang sabihin ng iba, siguro ang mas iisipin ko at mas mararamdaman ko, ‘yung pagiging anghel niya sa amin nu’ng time na kailangan na kailangan namin,” seryosong sambit ng magandang aktres.
***
Bilang isang babae, anong masasabi ni Ms. LT sa mga babaeng nabiktima ni Hayden, partikular na si Katrina na kapwa niya Flawless endorser?
“Siyempre, sabi nga nila, mahirap para sa kababaihan, ‘di ba? Pero siguro, kanya-kanya ta­yong dinadaanan sa buhay, eh! Ang importante, kung paano mo haharapin at kung paano ka babangon.
“Dapat irespeto natin ang privacy ng bawat isa. Kung ano ‘yung ginagawa mo sa loob ng bahay, sa inyo lang talaga ‘yun, eh!
“Pero since nandiyan na, ang kailangan lang siguro, eh kung paano mo ilalaban ‘yung sakit na daraanan mo.”
Kinumpirma ni Atty. Tamano na meron ding sex video si Dra. Belo. Papanoorin ba ni Ms. LT ang nasabing video?
“Bakit?! Ha! Ha! Ha! Hindi, hindi ko papanoorin. Kasi, hindi na siguro dapat.
“I mean, what is there to see? Sinabi na naman nila na meron, so tama na, ‘di ba?
“Typically siguro, sa mga Filipino, ‘yung curiosity natin, hindi matatanggal. Pero this time, siyempre meron ka rin dapat paghinto sa lahat ng bagay na dapat ihinto.”
Naniniwala ba siyang dapat ipaglaban ni Katrina ang karapatan nito lalo na’t ito ang naagrab­yado sa nasabing eskandalo?
“Siyempre naman, bilang miyembro ng industriya, actually naglabas ng stand ang KAPPT regarding that. Sina Tirso (Cruz III), Gina (Alajar), nag-send sila ng text messages at ang stand ng KAPPT is that we will be behind her (Katrina),” dayalog ni Ms. LT.
Kaibigan niya rin ba si Dr. Hayden?
“Si Dra. Belo ang kaibigan ko, pero kilala ko si Hayden. Kumbaga, because of Dra. Belo, nakakasama namin siya (Hayden) before.”
Anong masasabi niya kay Hayden (na kung tawagin ngayon ng iba ay ‘Pambansang Manyak ng Pilipinas’)?
“Wala akong maiko-comment. Kasi, lahat naman tayo, may kanya-kanya tayong diperensiya, eh! So, mahirap magsalita.
“Ayokong mag-judge o husgahan ang isang tao dahil lahat tayo, may pagkakamali at pagkukulang din sa buhay.
“Siguro ang pinakamabuti, eh intindihin natin at isipin natin kung paano natin matutulungan ‘yung taong alam natin na may pagkukulang o pagkakamali sa buhay,” sabi pa ni LT.
posted by Chuchi at 3:22 AM |



0 Comments: