Tuesday, May 19, 2009
by Heidi Anicete | May 15, 2009 11:56 PM | Share this article

Excited ang Grand Slam Queen na si Lorna Tolentino sa kanyang nalalapit na pagganap para sa teleseryeng Dahil May Isang Ikaw. Kasabay raw ng excitement na ito ay kaunti ring kaba dahil ayon nga sa kanya ay matagal-tagal na siyang hindi nakakagawa ng ganito kalaking project. Kung ikukumpara ito sa cameo role na ginampanan niya sa May Bukas Pa, nakikita niyang mas magiging malaking hamon ito para sa kanya dahil 'di hamak na longer shooting hours ang hihingin ng character niya sa paparating na teleserye. "Hindi na ako gaano sanay sa puyat," amin nito sa isang panayam para sa SNN nang kunin ang kanyang saloobin para sa kanyang pagbabalik-teleserye. "Medyo nalolow batt ako kapag madaling-araw na" dagdag niya; kaya naman ngayon pa lang raw ay sinusubukan na niyang sanayin ang katawan niya sa posibleng magiging work schedule niya.

Maliban raw sa kanya, maari na rin niyang sabihing lahat ng cast ng Dahil May Isang Ikaw ay kakikitaan ng enthusiasm sa nasabing project. Sabi nga niya, "looking forward kaming lahat," after explaining kung ano ang maaasahan sa bagong teleseryeng ito. Ayon sa kanya, maaaring iclassify na iba ang dramang ito sa mga napapanuod ngayon; paliwanag niya, ang istoryang ito ay mahahati raw sa tatlong time frame: the 80's, the 90's and the present. Isiniwalat rin niya dito ang drastic changes na pagdadaanan ng kanyang style and looks to cope up with her character; ilan sa mga pagbabagong kapana-panabik para sa kanya, at kaabang-abang naman para sa mga manunuod. Based sa nabasa niyang script, tunay na interesting raw ang magiging takbo ng istorya; at personally speaking, excited rin daw siyang masubaybayan ang pag-usad ng nasabing kwento.
posted by Chuchi at 1:14 AM |



0 Comments: