Saturday, May 30, 2009
NAKIKISIMPATYA si Lorna Tolentino sa mga babaeng naging biktima ng kumalat na sex video ni Hayden Kho. Sabi nga ni LT, dapat na bumangon ang mga babang `yon mula sa kinasadlakan nilang eskandalo.


“Siyempre, mahirap din sa mga kababaihan. Kanya-kanya silang pinagdadaanan sa buhay. Pero, ang importante ay kung paano mo haharapin at kung paano ka babangon.


“Sa mga nangyayari ngayon, I think mature naman na ang mga tao para hindi matanggap kung ano ang hindi maganda na nangyari sa kanila.


“Actually, dapat irespeto natin ang privacy ng bawat isa. Kung ano ang ginagawa sa loob ng bahay, doon lang ‘yun talaga.


“Pero since nandiyan na, kailangan lang kasi harapin mo, at kung paano mo lalabanan ang sakit na pinagdadaanan mo,” sabi ni Lorna.


Pabor nga si Lorna sa ginagawang pakikipaglaban ni Katrina laban kay Hayden.


“Siyempre naman, bilang member ng industry. Actually, naglabas na ng statement ang KAPPT for that. We will behind her,” sabi ni Lorna.


Nilinaw ni Lorna na kakilala lang niya at hindi kaibigan si Hayden. Si Dra. Vicki Belo raw ang kaibigan niya, at nakasama lang niya si Hayden, dahil kay Dra. Belo.


“Kumbaga, dahil kay Dra. Belo kaya namin nakakasama si Hayden before.”


Ayaw magbigay ng opinion si Lorna tungkol sa pagkatao ni Hayden.


“Lahat naman tayo may kanya-kanyang dipe­rensya. Ang hirap mag-judge.

Ayaw kong husga­han ang isang tao dahil tayo ay may kanya-kanyang pagkakamali at pagkukulang din sa buhay.


“Ang pinakamabuti ay intindihin natin at kung paano natin tutulungan ang taong may pagkukulang at pagkakamali sa buhay,” sagot pa ni Lorna.


***


Siyanga pala, pupunta ng Dubai ngayong June si Lorna para sa premiere showing ng Katas ng Saudi, ang pelikula nila ni Sen. Jinggoy Estrada.


Pagbalik daw niya ay ang 1 year death anniversary naman ni Rudy Fernandez ang aasikasuhin niya. Naka-schedule na raw ang pagpapa-bless ng Mauseleo ni Daboy sa Heritage Memorial Park, sa Taguig.


Ikinuwento ni Lorna na hindi pa niya ginagalaw ang mga gamit ni Daboy sa kuwarto nila. Sabi nga ni Lorna, magsisilbing ala-ala raw `yon ni Daboy sa kanya.


Ikinuwento ni Lorna na pinayuhan siya ng mga kaibigan niya na namata­yan din ng asawa, na galawin o ayusin lang ang mga damit o gamit ni Daboy kapag handa na talaga ang kalooban niya.


Prangkahang sinabi rin ni Lorna na wala pa ring nanliligaw sa kanya nga­yon. Hindi pa rin naman daw siya handang magpaligaw at magmahal ng iba.


“Okey na ako. Happy ako with my family, with my friends na parang pa­milya ko na rin. Happy ako sa industriya natin. Happy ako na nagtatrabaho, at happy ako na alam kong nandiyan lang si Rudy beside me,” nakangiting sambit pa ni Lorna.


Pero, hindi raw niya isinasara ang posibilidad na magmahal siyang muli ng iba. Baka raw kasi biglang may dumating na isang lalaki na puwede niyang pagtiwalaan ng kanyang puso.


“Pero, hindi pa ngayon. Hindi ko masasabi kung kailan.”


Anyway, nagkapag-ta­ping na si Lorna para sa Dahil May Isang Ikaw, ang teleserye niya sa ABS CBN, kasama sina Gabby Concepcion, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, John Estrada, Chin Chin Gutierrez, Sid Lucero at Karylle.
posted by Chuchi at 3:14 AM |



0 Comments: