Saturday, May 30, 2009
Abu Tilamzik

MALAPIT na ang first death anniversary ni Rudy Fernandez at maaring tapos na tapos na ang musoleo na ipinagawa ni Lorna Tolentino.
May exclusive interview si Butch Francisco kay LT na mapapanood sa Startalk bukas.
Ikinuwento ni LT na susundin na niya ang payo ng mga kaibigan na sa babang luksa ay ililigpit na niya ang mga gamit ni Kuya Rudy.
Madalas daw niyang nakikita sa kabinet nila pero iba raw iyung ligpitin mo na ito at hindi mo na makikita.
Aminado ang aktres na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya napaghandaan ang kanyang sarili kung paano ito ililigpit at aayusin.
“Kung hindi pa siguro ako ready, hindi ko pa rin gagalawin. Gusto ko lang sundin ang payo ng ibang biyuda na dapat ayusin ko na,” pahayag ni LT.
Minsan daw ay ina­amoy pa niya ito at nandiyan pa raw ang amoy ni Kuya Rudy. Minsan ay ginagamit pa raw niya gaya ng shorts ng aktor na isinusuot niya minsan sa bahay. Kaya pakiramdam pa rin ni Lorna, nandiyan pa rin si Kuya Rudy para sa kanya.
Dagdag na kuwento ni LT, dati ay wala siyang nararamdaman kay Kuya Rudy pero nga­yon ay feeling daw niya, lagi niya itong kasama at katabi.
Minsan daw ay bigla na lang daw siyang nakaramdam na merong humihipo sa likuran niya.
Paglingon niya, wala naman daw, kaya tiyak siyang si Kuya Rudy ang may gawa nu’n.
Marami na rin daw nakapansin na madalas merong orbs na nakikita sa mga litrato ni LT.
Kapag may mga seleb­rasyon na dinadaluhan ang aktres gaya ng birthday ng mga kaibigan nila, kapag nagpapalitrato si LT, may nakikita raw silang puting bagay na malapit sa aktres.
Feeling daw nila, si Kuya Rudy iyun na sumasama sa kanilang magpalitrato, dahil mahilig itong makipag-picture taking.
Natutuwa si LT kapag may mga ganu’n siyang nakikita at naramdaman dahil alam niyang lagi nitong kasama ang nasirang asawa.
Sa death anniversary ni Kuya Rudy sa Hunyo 7, magkakaroon daw sila ng misa sa Heritage Memorial Park kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan.
Pagkatapos ng death anniversary ay aalis si LT patungong Dubai kasama si Sen. Jinggoy Estrada dahil meron silang imbitasyon kung saan ipala­labas ang Katas ng Saudi sa mga kababayan natin doon.
Nagsimula na ring magtrabaho si LT dahil nagti-taping na siya ng bagong teleserye niya sa ABS CBN 2.
posted by Chuchi at 3:14 AM |



0 Comments: