Wednesday, April 30, 2008
Daboy at LT, babalik na ng LA

Mon, 28 Apr 2008

Mamayang gabi ay aalis na patungong Los Angeles,
California
sina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino.
Magpapa-PET/ CT Scans muna si Daboy para malaman ang resulta ng unang
Rexin-G treatment sa kanya.
Kapag maganda ang resulta, itutuloy ni Daboy ang treatment. Kung
hindii maganda, malamang na magsimula sila ng panibagong treatment na
mukhang mas malakas pa sa Rexin-G.
Sa ilang linggong pa­mamalagi rito ni Daboy, nagpahinga na lang siya
dahil madalas na nakararamdam siya ng back pain.
Ang sabi ng doktor, ganu'n talaga kapag magsisimulang mag-shrink ang
tumor.
Inaasahan ni LT na magtatagal pa sila sa US ng isa pang buwan para
masunod ang hinihinging treatment para kay Daboy.


-------------------------------------------------------------------------------------------------

Rudy to seek more treatment in U.S.

By: Bong De Leon

Rudy Fernandez & Lorna Tolentino

CHECK IT OUT

RUDY Fernandez is back from the States with wife Lorna Tolentino.
Much as he wanted to give his friends from the media the chance to
interview him, Daboy simply hoped for our kind understanding due to
the pain he is still experiencing on his back and stomach.

He is going back on Sunday to the U.S. for a Pet-CT scan and if the
results are good, he will continue with his Rexin-G treatment. We
learned that the constant pain in Rudy's stomach and back is due to
inflamed tumor. Before it shrinks due to Rexin-G treatment, it
will first inflame that is why he feels the pain.

Please pray for him. Thank God all his friends are there to give him
full support. Rudy is such a beautiful person inside and out.


-------------------------------------------------------------------------------------------------

LT at Daboy, umalis na

Wed, 30 Apr 2008

Umalis ang mag-asawang Rudy Fernandez at Lorna Tolentino nu'ng Lunes,
lulan ng PR 102 patungong Los Angeles, California.

Maraming mga pa­saherong nabigla sa departure area ng NAIA nang
dumating ang mag-asawang Daboy at LT na kasama ang mga kaibi­gan
nilang sina Sen. Bong Revilla, Sen. Jinggoy Estrada at Phillip Salvador.

Tuwang-tuwa si Da­boy dahil first time siyang ihinatid ng mga kaibigan
niya.
"Mahal na mahal ko silang tatlo dahil sila talaga ang pinakamalapit sa
akin at ihinatid talaga kami sa airport," paha­yag ni Daboy na
halatang nalulungkot sa pag-alis nila pero tinatakpan niya ito ng mga
ngiti dahil gusto niyang masaya ang kanilang pag-alis.

Bago sila tumuloy ng airport ay nag-dinner muna sila sa isang Japanese
restaurant sa Makati. Mag­kakasama sila sa iisang sasakyan patu­ngong
airport.
"Lahat ng dasal ko ay para kay Daboy kaya alam ko, malalagpa­san niya
ito," pahayag ni Ipe, na panay raw ang dasal para sa kanyang kaibi­gan.

"Para rin sa kanya (Daboy) ang ipinagdarasal ko, alam niya iyun,"
sagot ni Sen. Jinggoy nang tinanong ko siya kung si Daboy ba ang
ipinagdarasal nito tuwing nakikita ko siya sa Bac­laran.

"Malakas naman si Daboy, eh. Alam ko, malalagpasan niya iyan. He's
doing good," pampalakas ng loob na pahayag ni Sen. Bong.

Halatang  pinipi­lit nilang maging masaya ang pag-alis ni Daboy kaya
ayaw nilang ma­ging emotional.

Medyo matatagalan sa Amerika si Daboy dahil kailangang tapusin nila
ang treatment nito.

Ang unang gagawin nila pagdating sa LA ay magpa-PET/CT Scans ito. Kung
maganda ang resulta, itutuloy nila ang Rexin-G treatment.

Kung hindi, panibagong treatment ang susubukan nila.

Nakahanda si LT na mawala nang matagal-tagal sa Startalk dahil
kailangan niyang alagaan si Daboy sa Amerika.

"Hindi naman gaanong mahirap, eh, kasi wala na ang mga bata na kasama
namin noon. Ngayon, okay lang. Kaya ko kapag dalawa lang kami,"
pahayag ni LT.

Ganu'n pa rin ang hi­ling ni Daboy sa mga sumusubaybay sa
pinagdadaanan niya -- dagdag na dasal na isa sa nagpapa­lakas sa kanya.


-------------------------------------------------------------------------------------------------
posted by Chuchi at 3:55 AM | 0 comments
Tuesday, April 22, 2008
posted by Chuchi at 4:55 AM | 0 comments


April of year 2006 when i started to make this blog and post my very first entry.That time, all I want is to create something to show my deepest admiration to the woman I truly adore, hoping that someday, she herself can visit this site. And now that illustrious lt’s blog turns 2, i still can’t believe that we've come this far(oh,not really!LOL) . Time really flies sooo fast! as i keep on posting, i didn't notice that it's already two years ago when i made my first post!.=p

I also wanna thank you for visiting this site and i'll continue bringing you the latest updates 'bout ms.LT's life..

--------------------------------------------------------------------------------------

To Ms. LT,

I hope that you'll like this and may you continue inspiring many people through your works.
Stay beautiful and always have a positive outlook in life like what you're doing now.
I know all of the trials that God has given you has its own purpose,
all i can say is that, be strong and we'll always be behind you,
giving you and your family our never ending support. More power & god bless.


-------------------------------------------------------------------------------------

I hope you enjoy your stay here
and always support the one and the only MS. Lorna Tolentino.

gOd bleSs everyOne!

*xOxo*

-marj


posted by Chuchi at 4:03 AM | 1 comments
Monday, April 21, 2008
Ms. LT during Sharon Cuneta's Birthday Concert

The couple at the San Juan Capistrano Church
(see more photos @ Starstudio Magazine February 2008 issue)

Mr.LT and Mr. Rudy at the 2007 MMFF Awards Night

posted by Chuchi at 2:31 AM | 1 comments

Rudy Fernandez and Lorna Tolentino will return to U.S. for his therapy


Nerisa Almo
Sunday, April 20, 2008

Bumalik na ang mag-asawang Rudy Fernandez at Lorna Tolentino noong
Huwebes, April 17, mula sa Amerika para sa patuloy pa rin na
pagpapagamot ng aktor sa kanyang karamdaman na periampullary cancer.

Positibong hinarap ni Rudy ang StarTalk upang ibalita ang naging
resulta ng Rexin-G therapy sa kanya. Ang Rexin-G ay ang leading
tumor-targeted injectable gene therapy vector para sa metastatic cancer.

"Actually, yung Rexin-G is working very well with me. Doon sa
pakiramadam ko, ha, dahil sa hindi pa naman ako napapa PET CT Scan so
hindi ko pa masasabi kung ano talaga ang effect. Pero so far yung
pakiramdam ko maganda," pahayag ni Daboy sa taped interview sa kanya
ng StarTalk kahapon, April 19.

Bagama't naging mabuti ang pakiramdam ng aktor, hindi naman niya
ikinaila na minsan ay nakararamdam siya ng panghihina. Ani Rudy,
"Minsan may time na back pains and low batt, medyo parang nanlalambot
ka at nanghihina. Pero may time naman na parang pagkagising mo, ang
lakas-lakas mo."

Ang pagbabalik ng mag-asawa sa Pilipinas ay bakasyon lamang dahil
kailangan din nilang bumalik sa Amerika upang ipagpatuloy ang nasabing
therapy.

Ayon kay Rudy, "Bakasyon muna kami dito 'tapos balik kami roon para sa
ano muna, yung PET CT [scan]. Malalaman na kung ano talaga, kung
nagwo-work na mabuti. Then kung nagwo-work, itutuloy pa rin namin yung
treatment."

Ang PET scan o positron emission tomography ay isang kakaibang uri ng
imaging test para ma-detect ang cancer.

Sa huli, nagpasalamat si Rudy sa mga taong patuloy na sumusuporta at
nagdarasal para sa kanya. "Well, alam kong ipinagdadasal nila ako,
salamat sa mga dasal. Sana pagpatuloy nila ang pagdadasal para patuloy
din yung paggaling ko. Maraming, maraming salamat sa inyong lahat."

TUMORS DECREASE. Sa kanyang pagbabalik sa bansa, nagbalik din si Lorna
sa pagho-host ng StarTalk. Sa panayam sa kanya ng mga co-host niyang
sina Lolit Solis, Butch Francisco, at Joey de Leon, muling
ipinaliwanag ng aktres ang kalagayan ng kanyang asawa.

Kuwento ni Lorna, "Nagpa-PET CT scan siya. Maganda naman yung resulta.
Meaning walang nadagdag, wala ring nabawas at mayroong decrease sa
ibang tumors niya.

"Kasi ang resulta ng Rexin-G, parang namamaga yung palibot ng tumor
and kapag habang nagpapahinga. Pagkatapos ng pamamaga at saka siya
magde-decrease, yung size ng tumor.

"So far, yun nga, yung first time na PET CT scan niya, positive naman
yung result. Kaya itong susunod, kung talagang magwo-work sa kanya
nang husto, iko-continue yung cycle ng Rexin-G niya, hanggang six to
eight months pa."

THE CAREGIVER. Sa April 28 ang nakatakdang pagbabalik nina Daboy at
Lorna sa Amerika. Dahil sa dalas ng kanilang pamamalagi doon, natanong
tuloy ng mga co-host ni Lorna kung ano ang ginagawa niya doon.

"Naglalaba, nagluluto, lahat!" natatawang sagot ni Lorna. "Sabi ko nga
kapag kausap ko yung sister ko sa Chicago, 'tapos dumating siya, `O
ngayon nararamdaman mo, Ate, kung gaano kahirap mamuhay sa Amerika.'

"Ramdam na ramdam ko dahil, siyempre, kasama ko pa yung mga bata.
Hindi naman first time nilang makarating, alangan namang sabihin ko
na, `Hoy, maglinis kayo, magligpit kayo. E, bakasyong-bakasyon yung
feeling nila. Ako yung nag-aalaga. Naging size two ang aking pantalon.
So, caregiver, dakilang domestic helper."

Bagama't ayos lamang kay Lorna ang pagpunta-punta sa Amerika para sa
pagpapagamot ng kanyang asawa, hindi naman ninanais ng aktres na
manatili sila roon hangga't maaari.

Sa katunayan, panalangin ni Lorna, "Sana naman huwag [mag-stay for
good sa Amerika]. Sana naman mag-work nang husto yung therapy ni Rudy
para makabalik kami rito."

Bago matapos ang panayam, nag-iwan ng isang mensahe si Lorna para sa
kanyang asawa. Aniya, "Kasi si Rudy napakasarap na alagaan. Kahit
ngayon na minsan may mga... Siyempre dati sinasabi ko nga walang pain
before, but now nagkakaroon siya ng back pains and siyempre, may loss
of appetite, yung common side effect ng cancer, di ba? At least
nandito kami.

"Kailangan magpataba siya for 12 days. Pagtiyagaan mo muna, Papa, ang
nurse mo, ang caregiver mo, at ang iyong domestic helper."

Sa huli, inihayag ni Lorna ang kanyang panalangin para sa kanyang
asawa, "For him to heal completely."


-------------------------------------------------------------------------------------------------

LT Star Struck Sa Hollywood Actor

RATED A Ni Aster Amoyo
Saturday, April 19, 2008

Thrice a week sa loob ng isang buwan kung magtungo sa Sercoma
Oncology Center sa Santa Monica, California ang mag-asawang Rudy
Fernandez at Lorna To­lentino kung saan su­masailalim si Daboy (Rudy)
ng Regin-G therapy para sa kanyang sakit na cancer.

Isang beses ay nagka­sabay sa elevator ng na­sabing center sina LT at
ang award-winning Hollywood actor na si John Cusack. Hindi agad
nakapagsalita si LT at ang kaibigan nila ni Daboy ang nagsabi na isa
ring aktres sa Pilipinas si LT at tumango lamang ang Hollywood actor.
Ang pakiramdam ni LT ay naging instant fan siya nang oras na 'yon lalo
pa't hindi niya inaasahan ang pagkikita nila and of all places, sa
elevator pa.

Nanghinayang si LT at hindi niya kinausap si John na mukha namang
mabait at palabati.

Ang 41-year-old Hollywood actor ay nakilala nung mid-80s nang siya'y
mapabilang sa mga teen movies tulad ng Better Off Dead, The Sure
Thing
, One Crazy Summer at Sixteen Candles pero ang pinakamalaki
niyang tagumpay bilang aktor ay ang lead role bilang Lloyd Dobler sa
Say Anything. Bida din siya sa Serendipity, Martian Child, High
Fidelity, Being John Malkovich, Must Love Dogs at America's
Sweethearts kung saan nakasama niya sina Julia Roberts at Catherine
Zeta-Jones
.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

LT, balik Startalk

Sat, 19 Apr 2008

Mapapanood na uli ngayon sa Startalk si Lorna Tolentino na matagal na
namalagi sa Amerika dahil sinamahan niya ang asawang si Rudy Fernandez
sa pagpapagamot.

Magkukuwento si LT sa Startalk tungkol sa activities nila ni Daboy
habang nasa Amerika sila.

May-I-share din niya ang sikreto ng kaniyang natural na pagpayat.
Hindi siya nag-enroll sa gym o nag-reduce ha!

So, watch ninyo mamaya ang Startalk dahil bukod sa pagkukuwento ni LT,
baka pumayag si Daboy sa phone-patch interview.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Lorna at Daboy, bumalik na ng bansa

Fri, 18 Apr 2008

DUMATING kahapon nang umaga galing Los Angeles, California ang
mag-asawang Rudy Fernandez at Lorna Tolentino.
Labindalawang araw lang ang bakasyon dito ni Daboy. Pahinga muna siya
sa Rexin-G treatment pagkatapos ng 12th infusion.
Maayos daw ang pakiramdam ni Daboy kumpara nu'ng dumadaan siya sa
chemotheraphy.

Mas magaan para kay Daboy itong Rexin-G treatment dahil minsan ay
parang naka-recharge siya at malakas ang pa­kiramdam pagkatapos ng
infusion.
Itong Rexin G treatment pala ay para lumiit ang tumor. So far,
pagkatapos ng 12th infusion ay naka-23% na raw ang shrinkage.
Depende pa rin daw ang treatment sa PET/CT scans sa aktor pagbalik
nila ng Amerika. Kapag maganda ang resulta, itutuloy ang Rexin-G
treatment at maaring matagalan pa sila sa Amerika.

Malaki ang pasasa­lamat nina Daboy at LT sa mga kaibigan nila at ilang
kababayan sa LA na walang sawang tumutulong sa kanila.
Halinhinan sila sa paghahatid sa kanila sa hospital at pagbabantay.
Nakadadagdag ng sigla kay Daboy ang mga tulong at dasal ng mga
kaibigan, pati na rin daw ang mga nars (na karamihan ay Pinoy) at mga
doktor ay super-bonding sa kanila.

Maraming cancer patients na nakasabay roon si Daboy at naiisip niya,
masuwerte pa rin siya dahil buo pa rin daw siya at malakas pa.
Ang iba roon na nakasabay niya ay wala nang paa o kamay. Ang iba ay
mga bata pa, cancer-stricken na.

Marami pang tsika si Lorna sa kanyang pagbabalik sa Startalk, pati ang
kuwento niya nu'ng nakasabay niya sa elevator si John Cussack.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

LT, nurse ni Daboy sa LA

RATED A Ni Aster Amoyo
Sunday, April 13, 2008

Nakaka-inspire ang showbiz couple na sina Rudy Fernandez at Lorna
Tolentino dahil sa kabila ng kanilang mga pinagdadaanan ngayon sanhi
nang pagkakaroon ng sakit na kanser (stage IV ng periampullary
cancer) ni Daboy (Rudy) ay nananatili silang matatag at masaya kasama
ang kanilang mga anak at malalapit na kaibigan.

Kapag nakita ninyo si Daboy, hindi ninyo iisipin na ito'y may sakit.

Masayahin at palabiro pa rin ito hanggang ngayon at tanggap niya kung
anuman ang kaloob sa kanya ng Diyos. Pero patuloy siyang
nakikipaglaban alang-alang sa kanyang pamilya.

Ang pagkakaroon ni Daboy ng sakit ang naging daan para lalo itong
mapalapit sa Diyos at sa kanyang pamilya. Dito rin napatunayan ni
Daboy kung sino ang kanyang tunay na mga kaibigan na hindi bumitaw sa
kanya at kasama na rito ang kanyang mga bosom buddies na sina Sen.
Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla at Phillip Salvador.

Mag-iisang buwan nang nasa Amerika ang mag-asawang Daboy at LT dahil
sa ongoing treatment doon ni Daboy pero nakatakda silang bumalik ng
Maynila ngayong April 17. Muli silang babalik ng LA sa Abril 28 para
sa 3rd cycle rexin-9 therapy ng aktor. Sa bahay ni Sen. Jinggoy sa LA
nakatira sina Daboy at LT.

Si LT and tumatayong special nurse ni Daboy. Hindi naman daw
nahihirapan si LT sa kaniyang pasyente dahil masunurin umano ito.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Rudy at Lorna, babalik na ng bansa

Mon, 07 Apr 2008

Babalik sa bansa galing Amerika ang mag-asawang Rudy Fernandez at
Lorna Tolentino kasama ang dalawa nilang anak sa susunod na linggo.
Text sa akin ni Lorna, mahigit isang linggo lang sila rito at babalik
pa ng Amerika para ipagpatuloy ang treatment kay Daboy.
Katatapos lang ng 12th infusion kay Daboy kaugnay sa Rexin-G treatment
kaya may 12 days daw na pahinga at magpe-PET/CT Scans para ma-check
kung ano ang resulta ng treatment.
Uuwi muna sila rito dahil wala pa silang gagawin sa Amerika. Babalik
sila pagkatapos ng 12 araw na bakasyon.
Isang buwan na naman daw silang magtatagal doon dahil kailangan
matapos at makumpleto ang Rexin-G treatment kay Daboy.
So far, okay raw ang kondisyon ni Daboy kahit medyo `low batt' ito
pagkatapos ng treatment pero nakababawi rin agad.
"Isa na akong ganap na DH," bahagi ng text sa amin ni LT. Ang dating
size 4 na damit ni LT ay maluwag na at puwede na siya sa size 2 na
damit.
At least, pumayat siya at hindi tumaba dahil kailangang hindi raw siya
mataba pagbalik niya sa Startalk.
posted by Chuchi at 2:16 AM | 0 comments
Sunday, April 20, 2008








Date: MARCH 10, 2008
Place: WACK WACK GOLF & COUNTRY CLUB, MANDALUYONG CITY
Photos by: VER PAULINO

(Special thanks to verongski4 for the photos)

posted by Chuchi at 2:09 AM | 0 comments