LT, Hirap Sa Fookien
Nakausap ko si Lorna Tolentino sa Startalk nang samahan ko si Miss Chinatown 2005 para i-promote ang beauty pageant sa araw na ito na gaganapin sa Philamlife Auditorium. Kinumusta ko ang pag-aaral niya ng Fookien na kailangan niya sa role bilang Tsinoy sa Mano Po 5.
"Sumasakit na ang ulo ko sa pag-aaral nito. Hirap talaga! Pero kailangan kong ma-perfect para lumabas na reyalistiko, " aniya. Limang araw na lang at matatapos na ang syuting ng Mano Po 5, ayon pa sa magandang aktres na gumaganap na nanay ni Angel Locsin sa said movie.
Emy Bautista
------------------------------------------------------------------------------------------------
Lorna 'di gagawa ng first move para makipagbati kay Rosanna
MAKIKIPAGBATI si Lorna Tolentino kay Rosanna Roces kung si Osang ang gagawa ng first move, pero gagawin daw ba ni Osang ito?Paspasan ang shooting ng Mano Po 5: Gua Ai Di ng Regal Films, one of the Fantastic Four ng nasabing outfit na kasali sa MMFFP.
Nagkaroon kasi ng napaka-raming pagba-bago sa movie from Dennis Trillo and Dina Bonnevie's replacements to the change of director, pero assured ni Direk Joel Lamangan na ma-kahahabol ang pelikula in time for the final submission of finished film para sa deadline. Kada tapos kasi ng shooting, diretso agad ang print for process at editing.
Wala sa kinukunang eksena sa tatlong bida na sina Richard Gutierrez, Angel Locsin and Christian Bautista, pero appear pa rin ang LT sa Scenema Concept da-hil may eksena pa rin siya later sa ibang location. Naitanong namin sa kanya ang recent developments between Osang and Manay Lolit Solis, her manager at tila lumalambot na nga si Osang these past few days. Ayaw na munang magsalita ni LT about this or kung makikipagbati nga raw siya kay Osang.
Ang dali lang naman kasi to patch these things up, pero ang point niya, hindi siya ang gagawa ng unang move dahil wala naman siyang naging kasalanan.At ang tanong nga, will Osang make such move towards reconciliation?
Dinno Erece
------------------------------------------------------------------------------------------------
LT, sumasakit ang ulo sa pagsta-Chinese!
Hindi nagsisisi si Ms. Lorna Tolentino na tinanggap niya ang role ni Belinda Kho sa Mano Po 5: Gua Ai Di na originally ay para kay Dina Bonnevie.Tsika ni Ms. LT nang makausap namin siya nu'ng Huwebes sa set ng MP5 sa Scenema Concept studio (sa Marcos Highway, Pasig), nag-e-enjoy siya dahil masaya ang pelikula at very light ito.Kaya lang ay medyo sumasakit daw ang ulo niya sa kanyang mga Chinese dayalog at broken Tagalog.
Nag-sample pa siya sa amin ng isang Fookien line na dayalog niya kay Richard Gutierrez, na gumaganap na Pinoy na nobyo ng Chinese daughter niya sa movie na si Angel Locsin.Happy si Ms. LT sa kanyang role na ayon sa kanya ay strong support at nagsisilbing anchor ng kuwento ng MP5. Nang biruin siya ng press na mukhang malakas ang laban niya sa supporting category sa MMFFP sa Disyembre, aniya ay `yun ang first Best Supporting Actress award na mapapanalunan niya kung saka-sakali dahil panay for Best Actress ang kanyang tropeo sa bahay.Hindi pa rin sila nagkakausap ni Dina after what happened pero alam niyang hindi na ito affected dahil may sakit ito kaya hindi natuloy sa pelikula.
Kung hindi umano nagkasakit si Dina ay siguradong hindi nito pakakawalan ang role dahil napakaganda nito, ani Ms. LT.Samantala, natanong namin si Ms. LT hinggil sa dati niyang kaibigan na si Deborah Sun na nakulong dahil sa demanda niya at nang makalaya kamakailan ay nagkaharap na sila at nagkausap sa Startalk.May narinig kaming tsika na pagkatapos ng Startalk interview kay Deborah ay nag-deadmahan na sila sa studio at ni hindi nagpaalam si Deborah sa kanya nu'ng paalis na ito.Paliwanag ni Ms. LT, walang isnaban na naganap dahil after daw niyang magbeso sa anak ni Deborah na si Jam Melendez, lumapit pa siya kay Deborah para bumeso at mag-goodbye.
Pero sa mga nakapanood ng nasabing interview, ang dating ay parang wala sa loob ni Deborah ang ginawa nito at tipong napipilitan lang."Well, tapos na `yon. Bahala na si Gigi (palayaw ni Deborah) kung may sama pa siya ng loob. Siya naman ang magdadala no'n, eh!"Actually, hindi lang ako ang naka-feel no'n (na parang napipilitan lang si Deborah), maraming nakapanood na nakaramdam no'n. Ang daming nag-text sa akin. Marami sa kanilang ganundin `yung observation, " pakli ni Ms. LT.Agree ba siya sa comment ng iba na parang wala itong remorse?"Actually, `yun din ang dayalog sa akin ng ibang tao. Pero wala ka nang magagawa. Palalampasin mo na lang `yon. Tama na.
At saka ako kasi, hindi ko siya haharapin kung hindi ko pa siya napapatawad."Kasi, matagal na nilang tinatanong sa akin kung puwede na kaming mag-usap sa telepono onang harapan ni Gigi. Sabi ko, huwag muna. Pero nu'ng time na `yon, handa na ako kaya ako pumayag."So, sarado na `yung kabanatang `yon ng pagiging magkaibigan nila at hindi na ito madudugtungan?"Hindi na siguro. Ang mahalaga eh, nagkaroon na ng closure. Tapos na sa akin `yon. Nu'ng magkita kami at magkausap, tapos na `yon!" bulalas niya.Eh, si Rosanna Roces na nakahidwaan niya rin?
Tila apologetic na si Osang sa mga nangyari sa kanila ni Tita Lolit Solis at mukhang na-realize na nitong nagkamali rin ito sa mga nangyari. Posible kayang magkaayos na rin sila ni Osang?"Iba `yung laban ni `Nay Lolit, iba `yung laban ko. At `yung sa akin, hindi ako puwedeng masyadong magsalita regarding that. For me, past is past, period. Tama na, `di ba? Hindi naman maganda kung magsasalita pa ako..."Paano kung humingi ng tawad sa kanya si Osang?"Okey lang. Wala namang problema `yon. Ano ba naman ako? Tao lang ako na marunong magpatawad, `di ba? Pero alam mo, darating din `yon sa paglipas ng panahon. Ayokong ipilit. Basta, darating din `yung tamang panahon," dayalog niya pa.
Sa Disyembre 23 ay magpu-45 y/o na si Ms. LT. Wala sa itsura niya ang 45 kaya sabi namin ay puwede pa siyang mag-pose sa FHM kung gugustuhin niya."So, ako ang magiging pinakamatandang nag-pose sa FHM? Ha! Ha! Ha! Ayaw!!!"Tapos na ako sa ganyan, `di ba? Pinagdaanan ko na `yon, bakit naman huhukayin ko pa ulit `yon? Huwag na! Hindi bale na lang! Nagdaan na ako roon. Tapos na akong maging Pictorial Queen! Ha! Ha! Ha! Ha!" tawa pa ni Ms. Lorna Tolentino.
Allan Diones
------------------------------------------------------------------------------------------------
Angel, Susunod Sa Yapak Ni LT
Tinanong namin si Lorna Tolentino sa press visit ng Mano Po 5 kung sino sa mga kabataang artista ang pwedeng sumunod sa kanyang mga yapak. "Si Angel Locsin, dahil matiyaga ang batang ito. Propesyonal at mahal ang kanyang career. Dibdiban siyang magtrabaho at hanga ako dahil kapag meron siyang di naintindihan sa gagawing eksena ay nagtatanong ito sa direktor," anang LT. Gagampanan ni Lorna ang nanay ni Angel sa Mano Po 5 kung saan pareho silang nagsasanay sa pagsasalita ng Chinese dahil Tsinoy ang papel ng mag-ina.
Emy Bautista
------------------------------------------------------------------------------------------------
Lorna Tolentino ends rift with Deborah Sun
Galing sa puso ang pagpapatawad kay Deborah, ayon kay Lorna. Nilagyan na ng aktres na si Lorna Tolentino ng closure ang nangyari sa kanila ng dating kaibigang si Deborah Sun.
Dating matalik na magkaibigan ang actress-TV host na si Lorna Tolentino at ang dating aktres na si Deborah Sun—live-in partner noon ng aktor na si Jimi Melendez na namayapa na at lumabas sa mga pelikula ng Regal Films gaya ng Temptation Island at Bedspacers during the '80s.
Nasira ang kanilang pagkakaibigan nang idemanda ni Lorna ng kasong estafa si Deborah noong 1989 matapos hindi makapagbayad ang huli sa kinuha nitong alahas kung saan ginawa niyang guarantor si Lorna. Tinakasan ni Deborah ang kaso at lumipad siya patungong Amerika kung saan nanirahan siya roon ng 15 years. Noong October 2004 ay bumalik ng Pilipinas si Deborah na diumano ay may liver cancer. Dahil hindi pa naman naiuurong ang demanda sa kanya ng dating kaibigang si Lorna, nakulong siya noong September 2005.
Limang taon at walong buwan ang ipinataw na sentensiya kay Deborah ngunit dahil sa conditional pardon mula kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, sa pamamagitan ni Executive Secretary Eduardo Ermita, ay nakalaya agad ang dating aktres noong October 2006—mahigit isang taon pagkatapos niyang makulong. Ilang araw pagkatapos ng kanyang paglaya, noong October 30, nag-guest si Deborah sa showbiz talk show ng GMA-7 na Startalk, kunsaan isa sa mga hosts si Lorna. Sa interview kay Deborah ng Startalk ay naroon si Lorna, bilang host, kasama sina Lolit Solis at Butch Francisco.
Kahit magkatabi sa upuan ay halatang hindi kumportable sa isa't isa sina Lorna at Deborah. Ramdam na ramdam ang tensiyon at pagkailang sa kanila. Nang matapos ang interview, ayon sa mga saksi, ay nagpaalam si Deborah sa lahat ng hosts maliban kay Lorna. Ganu'npaman ay nilapitan pa rin ni Lorna si Deborah para bumeso ngunit tila walang reaksiyon ang huli. Sa press visit sa shooting ng pelikulang Mano Po 5: Gua Ay Di kahapon, November 23, sa isang warehouse sa Pasig ay nakausap ng PEP si Lorna upang kunin ang kanyang pahayag ukol sa nangyari sa kanila ni Deborah.
Para kay Lorna, na isa sa mga bida sa Mano Po 5, galing sa puso ang ginawa niyang pagpapatawad sa dating kaibigan. Nabura na raw ng panahon ang ginawang kasalanan sa kanya ni Deborah. Pero wala raw siyang magagawa kung may sama pa rin ng loob sa kanya si Deborah."Ako yung lumapit sa kanya at bumeso dahil sa akin ay tapos na yun," mahinahong pahayag ni Lorna. "Bahala na siya kung may sama pa rin siya ng loob [sa akin]. Siya na ang magdadala nun e."Patuloy pa ng aktres, "Actually, sabi ng iba ay parang lumalabas na ako pa ang may nagawang kasalanan sa kanya. Pero wala na tayong magagawa... Paraanin na lang natin ang panahon, tama na.
"Hindi ko naman siya haharapin kung hindi pa ako handang patawarin siya. Actually, noon pa nila [mga kaibigan nila ni Deborah] gustong pagharapin kami, kahit sa telepono lang. Pero sabi ko, huwag muna kasi parang pinilit mo ang situwasyon." Para kay Lorna, na ninang ng anak ni Deborah na si Jam Melendez, ay nilagyan na niya ng closure ang lahat sa kanila ng dating kaibigan. "Sa akin tapos na yon," ulit niya.
Alex Datu
------------------------------------------------------------------------------------------------
Lorna Tolentino drops plan to direct
Hindi raw kaya ni Lorna Tolentino ang pressure ng pagiging direktor. Hindi na ipinagpatuloy pa ng aktres na si Lorna Tolentino ang plano niya noong magdirek ng pelikula o isang telesine. Na-realize daw kasi niya na hindi niya kakayanin ang pressure ng pagiging isang direktor.
Matatandaang nag-aral si Lorna ng film directing sa Amerika sampung taon na ang nakalilipas. Ilang buwan din siyang namalagi sa States para matapos niya ang kanyang film course. Ayon sa aktres, hindi naman siya nanghihinayang na hindi niya nagamit ang pinag-aralan niya. Nagagamit naman daw niya kasi ito bilang isang artista. "Alam ko pa rin naman `yung mga pinag-aralan ko,'" sabi ng aktres sa press visit ng shooting ng Mano Po 5: Gua Ay Di noong Huwebes, November 23, sa isang warehouse sa Pasig.
"Nai-a-apply ko naman siya sa work ko as an actress sa TV at pelikula. Yung pagiging organized at maayos sa trabaho ko, isa yan sa natutunan ko sa film course ko noon." Patuloy pa ng aktres: "Hindi naman ako nanghinayang na hindi ko man lang nagamit o na-practice dito sa atin yung pinag-aralan ko. Siguro nga, hindi para sa akin ang magdirek. Mas concentrated kasi ako sa negosyo e. Mas bagay sa akin ang maging businesswoman kesa maging film or TV director. "Naniniwala ako na may mga taong bagay sa ganyan [pagdidirek] .
Tulad ng kaibigan kong si Gina Alajar, mas may karapatan siyang maging director kaysa sa akin. Mas nakalinya siya roon. May kanya-kanya kasi tayong specialty sa buhay. Tulad ko, sa business talaga ako magaling." Bukod sa pagiging aktres at TV host (co-host siya sa Startalk ng GMA-7), may ilang business ventures din si Lorna gaya ng franchise ng Gal's Bakery at Crystal Clear.
Ruel Mendoza
------------------------------------------------------------------------------------------------
Lorna at Dina, hinda na nagkausap ng personal
HINDI pa pala nagkakausap nang personal sina Lorna Tolentino at Dina Bonnevie nang last minute, eh, palitan ng una ang huli sa role bilang ina ni Angel Locsin sa Mano Po 5, Metro Manila Filmfest entry ng Regal Entertainment. Matatandaang nag-kasakit si Dina kaya ito nag-back out sa Mano Po 5, at para kay Lorna, hindi naman apektado si Ms D kung pinalitan man nya ito.
"Unavoidable circumstances yung ganyan, eh," say ni LT nang dalawin siya ng press sa set ng said Joel Lamangan movie sa may Marcos Hi-way kamakai-lan lang. "I'm sure kung hindi siya nagkasakit, hindi niya papakawalan ang role na ito, dahil ito ang naging anchor ng lahat ng characters sa pelikula." Chinese ang pamilya nila kaya ayaw nito kay Richard Gutierrez na isang Pinoy na makatuluyan ni Angel sa movie.
Mell Navarro