Wednesday, November 08, 2006
LT, hindi nanulot
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles
Ang Pilipino STAR Ngayon 11/06/2006

Kay Lorna Tolentino natuloy ang role ni Yolanda Kho, mother ni Angel Locsin sa Mano Po 5: Gua Ai Di. Bago maakusahang nanulot ng project kay Dina Bonnevie na unang nag-shooting for the part, tiniyak muna ni LT na `di na magagawa ni Dina ang pelikula.

Ayaw ni LT na maulit ang nangyari sa MP 2 na si Dina ang nasa storycon at pictorial pero, sa kanya napunta ang role nito. Actually, kay LT unang in-offer ang role pero, nagkaroon ng konting problema kaya napunta kay Dina. Hindi pa nagkikita ang mag-kumare (inaanak ni Dina si Renz Fernandez) pero, naniniwala si LT na maiintindihan nito ang lahat.

Second MP movie na ito ni LT at bale reunion nila nina Angel at Richard Gutierrez na nakasama rin niya sa MP 2 but that time, ang actor ang kanyang anak. Mabait daw ang dalawa at tiyak siyang walang magiging problema working with them again. Ni-reshoot ni LT ang mga eksenang kinunan na ni direk Joel Lamangan kay Dina Bonnevie.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Role ni Dina kay LT na!
By: Vinia Vivar

Pagkatapos ng Startalk last Saturday ay dumiretso na si Lorna Tolentino sa set ng Mano Po 5: Gua Ai Di sa Ayala-Alabang. Yes, kumpirmado nang si LT ang gaganap sa role na Yolanda (mother ni Angel Locsin), na dating kay Dina Bonnevie.Ayon kay LT, last Friday lang na-finalize ang negosasyon between Mother Lily Monteverde, Regal producer, and her manager, Lolit Solis, kaya the following day, sabak na siya agad sa shooting.

Nilinaw ni Lorna na wala siyang sinulot na proyekto kay Dina dahil unang-una, nag-back-out ang huli, at pangalawa, bago raw si Ms. D., sa kanya unang inalok ni Mother ang role na Yolanda."May mga bagay lang na hindi pinagkasunduan sina Mother at 'Nay Lolit kaya hindi ako natuloy. Then, nu'ng nagkasakit na nga si Dina, bumalik si Mother kay 'Nay Lolit and finally, nagkaayos na rin sila," pahayag pa ni Lorna.Nang nalaman nga raw niya na kay Dina na ang role, tanggap niya 'yun at sinabi na lang sa sarili na siguro'y hindi para sa kanya ang pelikula.

Hindi pa raw sila nagkakausap at nagkikita ni Dina mula nu'ng Mano Po 2 days pa, kung saan ay nag-agawan din sila sa role ng 3rd wife. But she'd like to believe na walang problema sa pagitan nila, lalo pa nga't kumare niya ito dahil inaanak ni Dina ang anak ni Lorna, si Renz.Nilinaw din ni LT na bago niya tinanggap ang role, siniguro muna niyang talagang nag-back-out na si Ms. D. para wala silang maging problema.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Lorna at Dina, walang hidwaan
By Allan Diones

Hindi big deal kay Ms. Lorna Tolentino na second choice lang siya para sa Yolanda role (ina ni Angel Locsin) na originally ay para kay Dina Bonnevie sa Mano Po 5: Gua Ai Di.Paliwanag ni Ms. LT nang makausap namin siya nu'ng Sabado nang gabi sa set ng MP5 sa isang malaking bahay sa Alabang, inialok na sa kanya ang nasabing papel bago pa ito napunta kay Dina kaya lang ay tila hindi nagkasundo sa talent fee si Mother Lily Monteverde at ang manager niyang si Tita Lolit Solis.Nang malaman niyang nagsyuting na si Dina (nakaisang shooting day ito) ay hindi sumama ang loob ni Ms. LT na hindi sa kanya napunta ang role.Nang magkaroon ng health problem si Dina at magkaproblema sa schedule ay muli siyang binalikan ni Mother Lily at this time ay nagkasundo na ito at si Tita Lolit kaya finally ay kay Ms. LT na napunta ang nasabing role.

Parang `take two' ito ng nangyari nu'ng 2003 sa Mano Po 2: My Home na ang role ng third wife na si Belinda ay napunta rin kay Ms. LT gayong ang alam ni Dina ay sa kanya ang naturang role.Naging isyu ito noon pero ayon kay Ms. LT, from the start ay sinabi na niya kay Mother na `yung third wife role ang gusto niya at hindi niya alam na ito rin pala ang inalok kay Dina.Ang kaibahan ngayon, ani Ms. LT, ay walang away o hindi pagkakaunawaang naganap dahil bago niya tinanggap ang MP5 ay siniguro niyang wala na sa project si Dina para klaro ang lahat.Well explained din daw ang lahat kay Dina kaya walang dahilan para magkaroon sila ng hidwaan.Hindi pa pala sila nagkikita o nagkakausap ni Dina after nu'ng MP2 controversy pero gustong linawin ni Ms. LT na wala silang away ni Ms. D. at sa katunayan ay hindi raw nito nakakalimutang padalhan ng regalo ang bunso anak niyang si Renz na inaanak ni Dina."Kumare ko si Dina at wala kaming problema kaya hindi dapat magkaroon ng bad blood sa aming dalawa. Wala kaming away, hindi lang kami nagkikita.

Sina Danica at Oyo lang ang nakikita ko at bumabati naman sila sa akin," sey ni Ms. LT.Bale 91st movie ni Ms. LT ang MP5. Hindi siya gumawa ng pelikula after MP2 dahil naging very busy siya sa TV at wala rin siyang film offers.Excited si Ms. LT sa Gua Ai Di kahit support lang siya kina Angel at Richard Gutierrez dahil maganda ang kanyang role bilang traditional Chinese mom na kontra sa Pinoy na nobyo ng kanyang anak na dalaga.Una niyang nakatrabaho sina Angel at Richard sa MP2 kung saan si Richard ang anak niya at nobya nito si Angel. May pagka-comedy ang Yolanda role ni Ms. LT pero hindi raw ito caricature.

------------------------------------------------------------------------------------------------

LT ‘steals’ role from Dina again
By: Mario Bautista nov. 7, 2006

Lorna Tolentino
FREEHAND

HISTORY repeats itself in the case of Lorna Tolentino and Dina Bonnevie. In “Mano Po 2", Dina was replaced by LT and this happens again in “Mano Po 5: Gua Ay Di”. Mother Lily Monteverde herself confirmed she talked to Dina over lunch to thresh things out and Dina said her schedules won’t permit her to shoot nonstop for the movie as she has a commitment in Dubai that she can’t cancel anymore. “We have a schedule to follow for us to meet our filmfest deadline on time,” says the Regal producer. “Also, we have to rush shooting the scenes of Angel as she’s starting ‘Asia Treasures’ for GMA-7 that will start airing December 3.

There’s really a conflict in the schedules so when Dina said if it’s okay with me that she backs out na lang, I didn’t stop her anymore kahit sayang ‘yung gastos for the scenes she has already shot. Now, we have to reshoot all those scenes with Lorna playing the role of Angel’s mother, Yolanda.” Lorna started shooting for the film last Saturday. In ‘Mano Po 2’, she played the mom of Richard Gutierrez who’s so overbearing he committed suicide. This time, Angel is her daughter and she dislikes Richard for her as he’s Pinoy and they’re Chinese. LT only accepted the role after she was assured that Dina backed out from it and can no longer shoot. She doesn’t want any controversy again between her and Dina, like what happened in ‘Mano Po 2’. “After reading the script, nagustuhan ko agad ang role ni Yolanda,” she says. “Iba ito sa role ko in ‘Mano Po 2’ na scheming wife ako. This time, comedy naman ang treatment sa role ko as a controlling mother and I’m happy to be part of ‘Mano Po 5'.”
posted by Chuchi at 3:19 AM |



0 Comments: