Wednesday, April 28, 2010
Congratulations for being the Female Star of the Night in the
26th PMPC Star Awards for Movies!
You truly deserve it! :)
posted by Chuchi at 8:55 AM | 1 comments
Saturday, April 24, 2010

Glen P. Sibonga

Friday, April 23, 2010
02:39 PM


Isa si Lorna Tolentino sa mga celebrity friends ni Senator Jinggoy Estrada na dumalo sa presscon na inihanda ni Mother Lily Monteverde kagabi, April 22, sa Imperial Palace Suites, Quezon City, para sa muling pagtakbo ni Sen. Estrada sa Senado sa May 10 elections.

Kabilang din sa mga kaibigang dumalo ang anak ni Lorna na si Raphe Fernandez, Sharon Cuneta, ang pamilya nina Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti, Direk Laurice Guillen at anak na si Ina Feleo, German "Kuya Germs" Moreno, Armida Siguion-Reyna, at Roderick Paulate.

Napalapit si Lorna kay Sen. Estrada dahil na rin sa pagiging mag-best friend ng yumao niyang asawang si Rudy Fernandez at ng senador. Kaya never bumitaw sa pagsuporta si LT sa kaibigan at kumpare, lalo na ngayong campaign period.

"Ang tagal na naming magkaibigan ni Jinggoy. Siyempre naman parang kapatid na si Jinggoy ni Rudy, aside from siya yung pinaka-nakasama namin sa paghihirap noong nagkasakit si Rudy. Talagang siya yung nakatutok din.

"Malaking bagay yung presence niya na nandoon siya araw-araw para tanungin kung ano ang development kay Rudy, dalawang taon din yun. Sa dalawang taon na yun, nakita ko na talagang nandodoon siya. Yung ups and downs ng trial and journey ni Rudy sa cancer, nandoon si Jinggoy. Kaya ngayong kailangan niya ng tulong at suporta, hindi ko kailanman ipagkakait yun sa kanya. Nandito rin ako para sa kanya," pahayag ni Lorna nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

SUPPORTING ERAP, TOO. Bukod kay Jinggoy, suportado rin ni Lorna si dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada. Ayon nga kay Sen. Estrada sa presscon, mas kailangan daw ni Erap ng suporta. Paano ipinapakita ni Lorna ang suporta niya kay Erap?

"Mas nakakasama ako sa campaign niya [Jinggoy] with Presidente Erap. Kasi yung solo campaign niya, minsan lang yata ako nakasama. Pero more on pag nandoon si Presidente Erap, mas nakakasama kami."

Natutuwa naman si Lorna na nagkataong wala siyang ginagawang project ngayon kaya nakakasama raw siya sa kampanya. Halos every week ba ay sumasama siya sa campaign sorties?

"Oo, halos every day na nga, e. Siyempre, may iba rin naman tayong inaasikaso. Ang last ko nga yung sa Dagupan last Saturday. 'Tapos ito ngang presscon. Then sa [April] 24 sana, kaso mayroon akong Star Awards for Movies, magho-host ako. So, hindi ako makakasama sa kanila."

Kumusta naman ang pagtanggap ng mga tao sa mag-amang Estrada sa mga pinupuntahan nilang lugar?

"Sobrang dami ng tao parati sa rally at sa motorcade. Makikita mo marami talaga. Mahirap talagang magtiwala doon sa survey lang kasi kung makikita mo yung dami ng tao na sumusuporta sa kanila, parang overwhelming. Kung sabagay, hindi ka naman talaga dapat mag-rely roon sa surveys lang," saad ng aktres.

REMEMBERING RUDY. Ngayong magkasama sila ni Sen. Jinggoy Estrada sa mga kampanya, hindi maiwasang maalala ni Lorna ang pagkakampanya ni Rudy noon para sa naging Senador. Lalo raw tuloy nilang nami-miss si Rudy.

"Siyempre naman, kasi madalas sinasabi sa akin ni Jinggoy, pag yung ibang napuntahan niya ay napuntahan na nila ni Rudy. 'Tapos ngayon ako naman ang kasama niya. So, madalas nasasabi niya na, 'Naku, nami-miss ko si Rudy.' Kasi nga sila ang magkasama lagi. Lahat ng pinagkampanyahan nila, laging nandoon si Rudy. Kasi si Rudy walang paltos yun. Tuluy-tuloy ang pag-campaign niya noon."

Kumusta na ang buhay ngayon without Rudy?

"Okey naman. Pero siyempre lagi ko pa rin siyang naaalala."

Inaamoy niya pa rin ba ang mga damit ni Rudy na ginagawa niya dati noong sariwa pa ang pagkamatay ng asawa?

"Basta nandoon pa rin yung mga damit niya. Hindi ko pa inaayos. Ang plano ko kasi after kong maayos yung sa Heritage [sa Heritage Park kunsaan inaayos pa ni LT ang mausoleum ni Rudy]...may mga iba pa kasi akong inaayos doon, e. Pag natapos ko na yun, aayusin ko naman yung isang room sa bahay, doon ko ilalagay yung mga gamit niya. Balak ko kasing gawing parang museum yun, pero hindi siya public. Para sa family and close friends lang. Pero matagal pa yun, baka next year pa."

Kumusta naman ang mga anak niyang sina Raphe at Renz, naka-get over na ba ang mga ito sa pagkawala ng tatay nila?

"Hindi pa rin. Lagi pa rin nilang nami-miss. Nagugulat na nga lang ako minsan sasabihin nila nandoon sila sa Heritage, pumupunta sila."

Dahil nasa puso pa nga niya si Rudy, hindi pa raw siya open sa bagong lovelife.
posted by Chuchi at 7:11 PM | 0 comments
Sunday, April 18, 2010
posted by Chuchi at 9:58 PM | 0 comments
Saturday, April 17, 2010

posted by Chuchi at 10:18 AM | 1 comments


It looks like the Star Cinema movie starring Bea Alonzo and Lorna Tolentino with a working title of Sa ‘Yo Lamang is on a fast-track. Gusto yata nilang tapusin agad ang pelikula at ipalabas na sa mga sinehan.

Ganyan kalaki ng tiwala ng Star Cinema sa Silverscreen Sweetheart ng Pinoy movies, who starred last month with John Lloyd Cruz sa Miss You Like Crazy. In fact, it was the Kapamilya star who confirmed that she and veteran actress LT will begin shooting on April 19 for a possible showing later this year.

“Sa ‘Yo Lamang” will be directed by acclaimed director Laurice Guillen who was also behind the success of movie “Tanging Yaman”.The project also features independent film prince Coco Martin, and love team Enchong Dee and Erich Gonzales.

“I’m really really excited kasi sila yung nagturo sa akin na umarte so ngayon di ko alam kung kailangan kong magpa-impress but I’m sure talagang matututo ako,” Bea said in an interview.In a separate interview, multi-awarded actress Lorna expressed her excitement on working with Bea again, whom she always referred to as one of the best actress in her generation.“Nagulat ako nung napanood ko, na-excite din ako kasi now I know that its Bea kasi ang tagal na nung last naming trabaho together,” Lorna said.

“Habang nanonood ako sa lahat ng soap at movies nya, parang ang laki laki na talaga ng growth nya as an actress so I’m really excited to work with her again ngayong dalaga na sya,” she added.

The veteran actress also said their upcoming project is a must-see movie as the story will be like the critically acclaimed film “Tanging Yaman.”

Bea and Lorna worked together 13 years 7 years ago via the hit soap opera “Kay Tagal Kang Hinintay,” which lasted for two years in ABS-CBN.
posted by Chuchi at 5:29 AM | 0 comments
VETERAN actress Lorna Tolentino is thrilled to share the silver screen with young star Bea Alonzo.

Lorna said that at first, she did not know who she will be working with but as soon as she heard the good news, she was very happy and excited.
"Nagulat ako nung napanood ko, na-excite din ako kasi now I know that its Bea," she said.
The two worked together 13 years ago in the hit soap opera "Kay Tagal Kang Hinintay," which lasted for two years.

Bea was still 13 years old during that time but was able to portray a role of a promising lawyer.
She was paired with on-screen partner John Lloyd Cruz. The show also launched the Bea-John Lloyd tandem.

Lorna shared that they be doing a family picture, which will be directed by acclaim director Laurice Guillen who also was the person behind the successful "Tanging Yaman" movie.
"It's a family picture, kung napanood nila yung 'Tanging Yaman' parang ganun din to, talagang ang story eh pang pamilya," she said.

The working title of the Lorna-Bea movie will be "Sayo Lamang."

Other casts include Coco Martin, Enchong Dee, and Erich Gonzales.

When asked on her observation of Bea's craft through the years, Lorna said she is very proud that the young actress turned to be a mature star.
"Habang nanonood ako sa lahat ng soap at movies nya, parang ang laki laki na talaga ng growth nya as an actress so I'm really excited to work with her again ngayong dalaga na sya," added the veteran actress
posted by Chuchi at 4:12 AM | 0 comments

posted by Chuchi at 3:49 AM | 1 comments