Thursday, October 16, 2008




Mapalad na naimbitahan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Deal or No Deal na siyang ipapalabas sa susunod na mga araw sa ABS-CBN. Ang game show na ito, hosted by Kris Aquino, ay magkakaroon ng celebrity players sa katauhan nina KC Concepcion, Lorna Tolentino, at Lea Salonga. Pati na rin ang Ateneo Blue Eagles basketball player na si Jai Reyes ay maglalaro rin sa naturang palabas.

Unang mapapanood ang episode ni KC Concepcion ngayong gabi, October 15, bago ang TV Patrol World. Ang episode naman ni Lorna Tolentino ay mapapanood sa Biyernes, October 17, samantalang ang kay Lea naman ay naka-schedule na umere sa Lunes, October 20. Si Jai naman ay mapapanood sa Martes, October 21.

LORNA TOLENTINO. Sa last episode at ang pang-apat na taping ay si Lorna Tolentino na sinasabing pumirma na ng kontrata with Star Records. Naka black ang biyuda ni Rudy Fernandez habang nakipaglaro kay Kris at sa 26K Girls.

Halos ang lahat ng kanyang guest ay puro kapamilya niya, kabilang ang kanyang ina na si Eloisa, kapatid na si Jun, Lulu at Rhina sister-in-law, niece na si Lara, ang mga anak na sina Renz at Raphael. Pati si Rudy Velasco, ang 21 years nang driver ni Rudy ay pinili rin nila upang makasama sa pagkakataon na ito.

Masuwerte ang lahat ng kasama ni LT dahil lahat ng pinili nitong mga nos. ay puro maliliit ang laman kaya ang saya-saya ng buong pamilya. Pinili niya ang numero na sinasabi niyang paborito ni Daboy. Among the four celebrity contestants, si Lorna ang pangalawa sa mga masuwerte, kahit hindi naman kalakihan ang kanyang inuwi gaya ni KC Concepcion, pero sapat na rin naman.

Sabi ni Banker, kinalabit daw siya ni Rudy kaya nagbigay siya ng malaking offer. Ang airing ng episode ni LT ay sa Biyernes, October 17.

Mapapanood ang Deal or No Deal mula Lunes hanggang Biyernes bago TV Patrol World.

-PEP.PH

posted by Chuchi at 3:25 AM | 1 comments
Sunday, October 12, 2008


GRAB YOUR COPIES NOW!!!


posted by Chuchi at 12:45 AM | 0 comments
Sunday, October 05, 2008
posted by Chuchi at 3:03 AM | 1 comments