Thursday, November 22, 2007
PANG-92nd movie ni Lorna Tolentino ang Katas ng Saudi at matutupad
ang gusto niyang umabot sa 100 o sobra pa ang gagawing pelikula
dahil wala siyang planong mag-retire sa showbiz.

Hangga't may kumukuha sa kanya at kaya niya'y gagawa pa rin siya ng
pelikula.

"Konti na lang ang bubunuin ko at makaka-100 movies na ako, sana
masagad dahil 'di ako magre-retire. Gusto kong maging Gloria Romero.
Bakit? At her age, active pa rin siya at muntik pa siyang maka-
grandslam for Tanging Yaman sa edad niya, kaya siya ang gusto kong
gayahin," sabi ni LT.

Sa 92 movies na nagawa, dalawa lang doon ang comedy at isa rito ang
Katas ng Saudi, na entry ng Maverick Films sa Metro Manila Film
Festival at kung saan first time niyang makakapareha si Sen. Jinggoy
Estrada.

Mag-asawa ang role nila rito, pero wala silang kissing scene dahil
hindi kailangan at magkakailangan sila dahil para na silang
magkapatid sa tagal na nilang magkaibigan.

Samantala, sa June 1, 2008, 25th civil wedding anniversary nina LT
at Rudy Fernandez at plano nilang magkaroon ng renewal of vows sa
San Juan Capistrano Church sa Los Angeles, California, dahil nangako
siyang babalik silang mag-asawa nang minsan silang magsimba.
posted by Chuchi at 11:56 PM |



0 Comments: