Tuesday, September 26, 2006
Lorna, 'Di agaw-eksena sa Kasal nina Mark at Melissa!
Jojo Gabinete


Nang isa-isa nang magdatingan ang female principal sponsors,
nagtaka kami dahil gold at beige ang kulay ng kanilang mga damit.
Bukod-tanging si Lolit ang nakasuot ng kulay pula!

Nang tanungin namin si Gorgy tungkol sa red blouse ni Lolit, simple lang ang kanyang sagot. Pastel colors daw ang alam ni Lolit na color motiff ng Christian wedding nina Mark at Melissa.

Habang sinusulat namin ito, hindi namin maiwasan na tumingin sa malayo at tumitig sa kawalan. Kailan pa naging pastel color ang pula?

Sa mga dumalo sa kasal, nangibabaw si Lorna Tolentino dahil sa kanyang elegant dress na gawa ni Paul Cabral. Pinabilib kami ni LT dahil low-profile lamang ito. Tahimik lamang siya na nakaupo sa isang sulok at nagmamasid sa mga nangyayari.

Hindi siya katulad ng ibang stepmother na nang-aagaw ng eksena.

Heart-warming at parang eksena sa pelikula (Madrasta 2?) ang aming nasaksihan. Tinawag ni Rudy ang asawa para palipatin sa lugar na mas malapit sa altar pero mas pinili ni LT na manatili sa kanyang kinauupuan.

Nang nasa kalagitnaan na ang wedding ceremony, saka lumipat si LT sa tabi ng kanyang mga anak.

Si LT ang stepmother ni Mark pero tunay na anak ang turing niya sa panganay ni Rudy.
posted by Chuchi at 4:16 AM | 0 comments
Saturday, September 16, 2006
posted by Chuchi at 4:19 AM | 0 comments
Tuesday, September 12, 2006
posted by Chuchi at 5:27 AM | 1 comments
Monday, September 04, 2006


posted by Chuchi at 3:38 AM | 2 comments